Time's up

Lahat ng pagsisisi, kung nasa huli madalas wala ring mangyayari. Pero pwede ba namang nasa-unahan ang pagsisisi? Aba malamang sa hindi. -___- Aish.

Please vote and leave some comments! :D

1Likes
0Comments
218Views

1. Time's Up

~~PLEASE VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS! :D

********

“Bakit ka absent kahapon?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya sa akin at sinagot ng tanong ang tanong ko.

“Bestfriend Ji, anong petsa nga uli ngayon?”

Nangunot ang noo ko sa tanong ni Marielle sa akin. We’ve been bestfriends simula nung first year highschool pa kami. Hanggang ngayong nasa college na kami ay going strong parin ang friendship namin.

Ako nga pala si Kenji Martins. Member ng basketball team at kilalang matinik sa chicks. Bestfriend ko si Marielle Chu na madalas mapagkamalang girlfriend ko.

“October  4, 20**  Bakit?” naka-upo kami sa bermuda grass dito sa loob ng School mini-forest.

“Bestfriend Ji, mahal kita. Pwede bang e-girlfriend mo ako?” halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya. Napatingin ako sa mukha nya at hindi ako nakakita ng kahit na anong pagbibiro.

“Nababaliw ka na.” Sabi ko at tumingin sa malayo.

Kung hindi ko lang to kaibigan, pinatulan ko na. Pero she’s special to me. She’s not like those other girls na nakakarelasyon ko.

“Bestfreind Ji, mahal talaga kita. Sige na please—e-girlfriend mo na ako kahit hanggang two weeks lang.” Nakangiti nyang sabi.

How can she said those words na parang wala lang? Tsk.

“Tigilan mo nga ako Elle.” Naasar na sabi ko. At nag pout sya. Nahagip ng paningin ko ang isang chiks na naglalakad. Ngumiti sya sa akin. Tumayo ako para sundan sya. Pero sumunod sa akin si elle at ikinawit ang kamay nya sa braso ko.

 “Bitiwan mo nga ako. Panira ka ng diskarte eh.” Pabulong kong sabi sa kanya saka sinubukang tanggalin ang kamay nya  pero dinaig pa ang mighty bond sa sobrang dikit. Haay.

 -_________-

 “*pouts*  Ano bang nakita mo sa mga mukhang paa na yun na wala sa akin hah? Ang ganda-ganda ko na  tapos ang seksi. Saan ka pa?” Bumitaw sya sa akin at nag pose sa harap ko.

 ADIK.

True to her words maganda naman talaga  si Marielle at tama ang sinabi nya sexy din sya. She could be in every man’s fantasy. But that excludes me.

Matagal ko na syang mahal, higit pa sa kaibigan oo. Pero hinding-hindi ko pipiliing isugal ang kung anumang meron kami sa walang kasiguruhan. Atleast pag kaibigan ko sya, sigurado akong hindi sya mawawala sa akin. May tamang oras naman para sa lahat, at hindi pa ngayon yun.

“Mag-bestfriends tayo at parang kapatid na kita kaya hindi tayo pwedeng lumagpas pa dun. Naiintindihan mo ba ako ha Elle?” seryosong sabi ko sa kanya.

Napangiwi sya sa sinabi ko pero agad din naman yung napalitan ng matamis na ngiti. Yang pilyang ngiting yan hindi ko nagugustuhan. Pihado may  iniisip yang gawing kalokohan

*tsup* O____O she kissed me.

 =________= sabi na.

 Lumundag-lundag sya papalayo sa akin habang malapad ang pagkakangiti. Sa sobrang tuwa na makikita mo sa mukha nya daig pa nya ang kinder na binigyan ng isang sakong candy.

-____________-

 “Kahit ano pang sabihin mo, mahal kita! Hindi bilang kaibigan o kapatid. I love you Ji!” kumindat pa sya at saka lumayo na.

*Lub-dub*

“Ayiiiiiiieeeeee! Kayo ng sweet.” Kantyaw pa ng isang estudyante.

 Tss.

>>>>>

 

 

(There I was again tonight forcing laughter faking smile same old tired and lonely place)

 Ang ganda talaga ng boses ng bestfriend ko. Nakaka-relax. Nakaupo kami sa rooftop ng bahay nila habang nakatingala sa langit at tinitingnan ang mga bituin.

 Dahil matagal na kaming magkaibigan  welcome na welcome ako sa kanila. Mabait ang papa nya kaso mapanukso. Ayaw nyang maniwala na magkaibigan lang kami ni Marielle. Wala ng mama si Elle, umanaw ito nung nasa Grade 1 palang kami.

 Iyak sya ng iyak nun, ako naman syempre yung nagpatahan sa kanya. Naging sandigan namin ang isa't-isa simula pa noong mga bata kami.

 (Same old tired and lonely place Walls of insecurity shifting eyes and vacancy vanished when I saw your face)

Naalala ko tuloy nung first time na niligawan si Elle. Nakaramdam ako ng takot nun. Baka kasi makuha ng iba ang atensyon nya. Buti nalang binasted nya yung lalaki. Elle was always there for me. Laging handang makinig. Sinasamahan ako pag kailangan ko sya. Tulad ngayon na malungkot ako dahil sa mga magulang kong walang pakialam sa akin.

(All I can say is it was enchanting to met you. Your eyes whispered “have we met?” Across the room your silhouette)

Napatitig ako sa nakapikit na mukha ni Elle habang nag gigitara. Ang ganda ganda ni Elle, natutukso akong halikan sya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi maari. *sighs*

(Starts to make it’s way to me the playful conversation starts counter all your quick remarks like passing note in secrecy)

Gumuhit ang ngiti sa mga labi nya. Pero kasabay nun ang pag agosng maga luha nya. Why is she crying?

(And it was enchanting to meet you all I can say is I was enchanted to met you) nabasag ang boses nya kaya itinigil nya ang pagkanta.

 “I’m sorry bestfriend Ji.” She said at kinagat ang pang ibabang labi saka yumuko sya at humikbi.

Nagugulohan ako pero sa hindi ko malamang kadahilanan natatakot akong mag tanong. Hinawakan ko ang baba nya at inangat ang mukha nya. Mas lalo akong naguluhan ng makita ko ang mga mata nya.

She owns a very expressive eyes. Pero ngayon—hindi ko mabasa kung ano ang nasa-isip nya. May hindi ba sya sinasabi sa akin?

“Ba’t ka ba nag-sosorry? Kahit di mo natapos ang kanta mo ayos lang.” Lumikot ang mga mata nya at agad kumawala sa pagkakahawak ko saka mabilis na pinahid ang pisngi nya.

 “Ah---haha oo nga naman. I love you bestfriend.” Sabi nya at tumalikod sa akin.

 TSS. Eto nanaman po kami.

“Elle? Anong form ng moon ang pinaka gusto mo?” pag-iiba ko ng usapan.

Magkalapat ang likod namin at pareho kaming nakatingala sa langit.

“Hmmm. Crescent.” Mahinang sagot nya.

“Bakit crescent?” wala sa isip na tanong ko.

“Kasi hindi ako buo pag wala ka sa tabi ko Ji. Pag nakikita ko yung crescent moon yun yung pumapasok sa isip ko. Na kapag hindi kita kasama hindi kumpleto ang pagkatao ko, na tulad ng sabi ng kanta -- kulang ako kapag wala ka.”

*lub-dub*

“Pero kung dumating man ang araw na kailangan mo ako at wala ako sa tabi mo, lagi mong tatandaan hinding-hindi kita kayang iwanan. Mahal na mahal kita Kenji. *sighs*”

Bigla akong kinilabutan sa sinabi nya. Ang tagal na panahon nyang hindi nya ako tinatawag sa pangalan ko, ngayon nalang ulit. Nakakapanibago. Yun kaya ang dahilan kung bakit ako kinilabutan?

Parang hindi eh—There is something in her voice. And that something send shiver to my spine.

 >>>>>

Inilapit ng babae ang mukha nya sa akin. What a naughty bitch! Ano na nga ulit ang pangalan nito?Janice? Err--- Eunice--? Clarice? Geez! I totally forgot.

We kissed like there was no tomorrow. We jumped into my bed. She’s on top of me and we’re still kissing passionately while my hand is exploring in her body.

 *Blag*

Napatigil kami ng biglang may bumagsak. Umalis sya sa ibabaw ko. We were half naked. Nakatayo sa may pintoan ang shocked na si Elle.

“I-I’m sorry.” Sabi ni Elle ng makabawi sa kabiglaan at nagmamadaling lumabas. Napasabunot ako sa buhok ko.

Gusto ko syang habulin pero nababahala akong baka umasa sya pag ginawa ko yun. This is me masasaktan sya pag di nya pinigilan ang nararamdamna nya para sa akin. It’s now or never. She should forget about her feelings and accept the fact na hanggang magkaibigan lang kami.

Hinalikan ulit ako ng babae peo itinulak ko sya. Nawalan na ako ng gana.

“What?” nakataas ang isang kilay na tanong nya.

“Go home Clarice.” Walang emosyong sabi ko. Pinulot nya ang damit nya at isinuot saka galit na humarap sa akin.

*pak!*

Napahawak ako sa panga ko na sinampal nya. Kung hindi lang ‘to babae, ginantihan ko na. Pasalamat sya hindi ako pumapatol sa babae.

“My name is ALICE you assh**le!” Sigaw nya, saka lumabas ng condo ko at ibinalibag ang pinto.

Nakuha ng atensyon ko ng isang kulay navy blue na jewelry box sa may paanan ng pinto. Pinulot ko at pinagmasdang maigi. Ito siguro yung nabitiwan ni Elle kanina. Guilt flooded my heart.

Isang necklace na may pendat na crescent moon at dalawang stars ang tumambad sa mga mata ko ng buksan ko ang box. Kinuha ko ang nakalakip na note at binasa.

 Bestfriend Kenji,

I won’t get tired saying I love you as long as I can. Suotin mo to palagi okay? Kunyari ako ito at pagsuot mo ‘to malapit na ako sa puso mo. Yay! I love you Ji! Happy 19th birthday.

Lovelots, Elle

Birthday ko nga pala ngayon. She never fail to remember.

>>>>>

I gritted my teeth when I saw her happily talking with another guy. Gusto ko yatang pumatay ngayon. Tss! Kinalma ko ang sarili ko bago ko sila nilapitan.

 “Uy! Bestfriend Ji!” Nakangiting sabi ni Marielle. Ang saya nya yata.Kung makatawag ng bestfriend wagas ah!

 Ay teka muna—ba’t ako maiinis eh magbestfriend naman kami talaga diba. Umupo ako sa gitna nilang dalawa at tinitigan ang lalaki.

Tss. Masyadong pa-cute. Mukha tuloy engot.

“Ah eh---hehe. Bestfriend Ji, Si Jayson nga pala.  Jayson si Kenji  bestfriend ko.” Pagpapakilala ni Elle.

Inilahad ng lalaki ang kamay nya at tinanggap ko naman.

“Jayson Jimenez pare. Marielle’s suitor.” Pakiramdam ko lumaki ang ulo ko sa sinabi nya. Nagagalit ba ako?

Kilala ko na sya noon pa dahil sya ang lead vocalist ng school band. Madalas ko syang nahuhuli noon na nakatingin kay Elle. Ngayon nagkalakas na sya ng loob huh!

Naiinis ako dahil ene-entertain sya ni Marielle. Lahat kasi ng manliligaw nya hindi nya binibigyan ng pansin. Gusto nya ba ang Jayson na ‘to? Teka—nagseselos ba ako?

Of course not. -_____-

Concerned lang ako sa bestfriend ko noh!

“Kenji Martins. She’s my bestfriend. Break her heart I’ll break your face.” Seryosong sabi ko habang hindi inaalis ang mapanuring tingin sa kanya.

Pero sa inis ko ay tumawa lang sya.

“I have to go ahead! Paano Marielle—bukas nalang ulit ha? Sige tol!” tinapik nya ako sa balikat. Tss! Feeling Close.

“Gusto mo ba yung lalaking yun ha?” nakakunot noong tanong ko kay Marielle. Bumungisngis sya na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

“Ayiiiiiiiieeee! Jely! Magtapat ka nga bestfriend ji, inlove kana sa akin noh?” sabi nya at sinundot-sundot ang tagiliran ko.

“ASA. Concern lang ako sayo! Baka mamaya rapist yun mapahamak ka, kasalanan ko pa.”

 “Wushu!! Kunyari ka pa eh ha--- aw

Hindi nya tinuloy ang sinasabi nya. Nawala ang ngiti nya kanina at kinagat nya ang pang ibabang labi.

“Anong nangyayari sayo? May masakit ba ha? May dinaramdam ka ba ha? Saan banda?” nag-aalalang tanong ko.

“Ahehe! Sinasabi ko na nga ba mahal mo na talaga ako eh! Kung makapag-react ka nga dyan wahahaha masyado kang obvious promise.”

Tss! Akala ko kung ano na.

Baliw talaga.

>>>>>

 

“Bestfriend Ji, please tell me you love me yung walang karugtong na bestfriend. Please—kahit ngayon lang *puppy-dog-eyes*” utos ni elle sa akin. Nandito kami ngayon sa school mini forest. Dito ang paborito naming tambayan dahil ang sariwa ng hangin.

 “Tss.” Sagot ko.

 “Sige na please—kahit yun nalang ang Christmas gift mo sa akin. Please----”  pakiusap nya

 “Malayo pa ang pasko.” Maikling tugon ko.

 “Ee sige na sige na. Advance Birthday gift mo nalang yun sa akin.” She’s desperate. Tss.

“NO. Tapos na birthday mo.” Sagot ko.Bumuntong hininga sya tanda ng pag suko.

“Di bale—basta ako mahal kita.” Malungkot nyang sabi.Makakalimutan mo rin ang nararamdaman mo para sa akin Elle. Balang araw, matatanggap mo rin ang lahat.

“Bestfriend Ji, pag ako ba nawala ma-mimiss mo ako?” tanong nya sa malungkot na tono.

“Hindi.” Dahil hinding hindi ako papayag na mawala ka sa akin Elle.

“Ah okay—mabuti naman pala kung ganun, hindi na ako malulungkot. *sighs*” ang malinaw lang sa akin dun sa sinabi nya ay ang buntong hininga nya, sobrang hina kasi.

“Anong sabi mo?” tanong ko

“May ipagtatapat ako sayo bestfriend Ji--” seryoso syang nakatitig sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit?

 “Uy babe! Nandito kalang pala—kanina pa kasikita hinahanap.”  Napalingon kami sa nagsalita. Si Bianca pala. She’s my newest girlfriend.

“Babe?” napalakas na sabi ni Elle. Geez! I forget to tell her.

“Elle, this is Bianca Dizon. Girlfriend ko. Babe, meet my bestfriend si Marielle.” Gumuhit ang lungkot at sakit sa mga mata ni Elle. Pero mas mabuti na ang ganito I’m just teaching her to accept things.

“H-hi.” I knew Elle for so long at alam kong naiiyak na sya. Nakipag handshake sya kay Bianca saka pilit na ngumiti.

“I’d better get going. Muntik ko tuloy makalimutan ang klase ko. Sige ha! See you around, and congratulations.” She said. Liar! Wala syang klase alam ko yun dahil pareho kami ng schedule.

Pero hinayaan ko lang sya. Tumango si Bianca at nginitian sya, she smiled back, the saddest smile I ever saw on her face. Bago tuluyang umalis.

Ano kaya yung sasabihin nya dapat sa akin? Ah—next time ko nalang sya tatanungin.

>>>>>

 

“Bakit mo ba ako iniiwasan ha Elle?” tanong ko sa kanya.

 Hindi ko na sya gaanong nakaka-usap dahil iniiwasan nya ako. Madalas ko pa silang nakikitang magkasama nung Jayson kaya hindi ko mapigilan ang mainis.

Yes. I miss her very much. I miss her telling me tat she loves me.

“Hindi kaya.” Mahinang tugon nya at nilagpasan ako. Sinundan ko sya sa paglalakad at hinawakan sa siko para tumigil sya sa paglalakad. Humarap sya sa akin

 “Mag-usap nga muna tayo. Ano bang problema ha?” Sumisigaw na ako sa inis. Alam kong pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante. Pero who cares?

Tumawa sya ng mapakla at tumingin sa akin.

“I’m badly hurt. You didn’t even tell me you have a new girlfriend.” Pagtatapat nya saka nag-iwas ng tingin.

 Alam ko naman talaga na yun ang dahilan. Pero bakit ba? Sila nga ni Jayson madalas rin namang magka-usap. Nagagalit ba ako? Sinusumbatan ko ba sya? Hindi naman diba?

“Elle, hindi kita asawa. Mag bestfriends lang tayo. Kaya wala akong dapat ipaliwanag sayo. Hindi naman porket bestfriend kita kailangan ko ng sabihin lahat ng gagawin ko sayo diba? Na kailangan alam mo kung sino ang mga gini-girlfriend ko.” napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis.

Pakiramdam ko gumuho ang mundo nya dahil sa sinabi ko. I know that was rude of me but she has to move on. Hindi kami pwedeng dalawa. We are better off as friends.

“Ookay. Just give me space. I don’t want to be your bestfriend anymore. I'm just so tired” Sabi nya habang patuloy parin sa pag-iyak at tinalikuran ako.

“You want space? Fine! From now on, were no more bestfriends. From now on I don’t know you anymore!” Sigaw ko pa sa kanya. Nadadala na ako ng galit ko.

Tumakbo sya papalayo sa akin. At kahit gusto ko, tulad ng madalas kong gawin hindi ko sya hinabol.

 >>>>>

Our last fight. That was the last time I ever saw her. Nami-miss ko na sya. Sampung araw na ang nakakalipas mula nung huli ko syang nakita.  Gusto ko syang tawagan, puntahan sa bahay nila. I'm dying to talk to her, pinch her chick. Hear her say she loves me so much.

 Pero—kinakain ako ng pride ko.

Should I pay her a visit? Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya. Kailangan kong malaman kung bakit hindi na sya pumapasok. Ganun ba sya ka-apektado sa sinabi ko?

(...)

 “E-elle?” napalingon sya sa direksyon ko at ngumiti. Nasa rooftop sya ng bahay nila at ang sabi ng papa nya puntahan ko daw sya  dito dahil hinihintay nya raw ako.

Her father looks sad. But I need to mind Elle first before anyone else. I decided to confess to her. Magbabago na ako. Hindi naman siguro kami maghihiwalay kung hindi ako titingin sa ibang babae diba?

 “You finally came.” Masayang sabi nya.

 “I-I miss you.” Ngumiti sya. She's-- she's pale

“Salamat naman pumunta ka ngayon. Akala ko hindi na ako makakapagpaalam sayo Bestfriend Ji.” Nagsimulang umagos ang mga luha nya.

I’m always making her cry. I’m stupid.Bakit sya magpa-paalam? Aalis na ba sila ng papa nya? Lilipat sa ibang lugar? Hindi. Hindi ko kayang malayo sa kanya.

“No don’t leave me Elle. I need to tell you that I’m such a jerk for hiding my feelings. Mahal kita elle.”

 Niyakap ko sya ng mahigpit—Humikbi sya.

“And I love you too Ji. I’m happy to hear you saying those words before my time’s up.” Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

Tinitigan ko ang mukha nya. Nakangiti sya pero walang tigil sa pag-agos ang luha sa mga mata nya. Ngumiti sya sa akin at hinalikan ako.

I kissed her back.When Our lips parted she whispered

 “I love you Kenji” then she suddenly collapsed.

Binundol ng kaba ang dibdib ko nasa mga braso ko sya at hindi na sya humihinga. Is she--- No. No. She can’t. She can’t be dead.

 Kinarga ko sya sa mga braso ko, kailangan ko syang dalhin sa hospital. Laking gulat ko ng lumapit sa akin si tito, ang papa ni elle at hinawakan ako sa braso habang lumuluhang nakatingin kay elle.

“Tito—kailangan napo natin syang madala kaagad sa hospital.” Umiling-iling sya.

“She’s gone forever  son--” pakiramdam ko nabingi ako sa sinabi nya. Si elle? Wala na—Hindi hindi maaring mangyari yun.

Magiging asawa ko pa sya. Mahal nya ako diba? Kaya bakit sya mawawala? Naramdaman ko ang pamamasa ng mata ko, pakiramdam ko nadudurog ang puso ko ng pinong-pino. Ang dami ng panahong sinayang ko.

 Ang sakit—ang sakit sakit.

 Napatingin ako sa wala ng buhay na katawan ni Elle—wala na sya. Wala na ang babaeng mahal ko.

>>>>>

She has a Long QT syndrome. A disease that causes irregular heartbeats and can lead to sudden death. Yun ang nalaman ko from Elle’s father.

Nagsisisi ako sa maraming bagay. Ang mga panahong sinayang ko. Mga pagkakataon na hindi ko pinaramdam sa kanya kung anong tunay kong nararamdaman.

But-- no matter how hard I cry, hinding-hindi na sya babalik sa akin. My life will never be the same again. Tama nga sila. Magsisi ka man sa huli wala ring mangyayari.

I may move on someday but one thing is for sure—I will miss Elle forever. And If only I could turn back time—I’ll make it up to her before her time is up.

 THE END

****

A/N: Salamat sa mga Nagbasa, Nagbabasa at magbabasa palang. Kenji will have his own story. Katulad ni Kiel. Abangan nyo nalang sa mga susunod na araw, baka ma-ipost ko na. Tnx. ^_______^

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...