Unlove Me

Expect the unexpected. Mahirap ba? Pero tungkol doon ang storya.
BABALA! Hindi po matino ang storyang 'to kasi may saltik si otor nung sinusulat nya to. muahahaha! Pero kung sadyang makulit at curious ka talaga! Di go! Basahin na. ^___^

Please vote and leave some comments! :D

Written by happychenny

1Likes
0Comments
173Views

1. Unlove me

~~PLEASE VOTE AND LEAVE SOME COMMENTS! :D

********

“You have to Unlove Me.” Seryoso nyang sabi.

“Pero—bakit?”

************************************

Pumalakpak ang dalawang tenga ko ng makita ko ang pangalan ng crush ko sa lists ng mga section one.

 Kyaaaaahhhh!! Magkaklase kami ni Kiel Sinclair.

 ^______________________________________________________^

 Isa sya sa pinaka sikat dito sa campus dahil maliban sa kagwapohan nya ay mahusay sya sa pag sasayaw. At ang maganda—NGSB pa sya.

 Yes! No Girlfriend Since Birth!

 Syempre iyon ay dahil ako ang ang magiging first nya! At pati na rin ang last! Hoho!  YAY!

 Ay ang landi ko ba? Sorry naman—nakalimutan ko tuloy magpakilala. Ako nga pala si Jamaica Stewart. My close friends call me Aica. Nasa fourth year highschool na ako at 16 years old.

 Nagkagulo ang mga kaklase kong babae ng pumasok sya sa room. Sino pa ba edi ang kinukwento ko sa inyong si Kiel Sinclair my labs.

 Pakiramdam ko nanigas ako sa kinauupuan ko ng mapatingin sya sa akin. Ako nga ba ang tinitingnan nya o sadyang assuming lang ako?

 Oh my gee--- papalapit sya dito. Breathe in breathe out, baka mahimatay ako.

 >//////////////////////////////////////////<

 Kyaaaaaaaaahhhhh!! Ang gwapo gwapo nya talaga.

 “Hi Aica!”

 O________O kilala nya ako?

 “H-hello!” nag stammer ako. And he smile.....

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!! Ngumiti sya sa akin Omigush! Can I die now? Can I?

 “Can I sit beside you?”

 OMO? Tatabi sya sa akin? Di nga!

 Ang init init na ng mukha ko. *paypay sa face*

 Tumango ako ng tumango ng tumango. Stop it head! Masyado na akong obvious My Ghad!

>>>>>

Naging magkaibigan kami ni Kiel. I don’t know pero friendzoned yata ang beauty ko. Aish! Kainins! Ligawan ko kaya? Baka naman kasi torpe lang diba?

 Pero haay!! Ang daming na-iinggit sa akin hindi kasi basta basta lumalapit si Kiel  sa ibang tao. lalo na kamo sa mga Girls.

Oo tama yan. Mamatay kayo sa inggit. Muahahahahaha!!!  ^__________^

 Haayyy Kiel Sinclair! Kailan mo ba ako liligawan? Dinispatsa ko na yung ibang admirers ko para sayo. Torpe ka nga ba o sadyang manhid kalang?

 “Anong iniisip mo?”

Muntik na akong mapatalon sa gulat ng magsalita ang pinakagwapong nilalang sa mga mata ko.

“H-ha? Ah eh ano-- ” Patay! Anong sasabihin ko?

 “Ah siguro—may pinagpapantasyahan ka ano?” nakangising sabi nya.

 Huwag ka ngang magulo. Oo meron. At ikaw yun. Gusto kong sabihin.

 “Ano ka. Asa! Wala no!” inirapan ko kunwari sya.

 “Alam mo kahit umirap ka, ang ganda mo parin.”nakangiti nyang sabi.

 O______O

>////////////////////////////////////////////////<

 Nagagandahan sya sa akin? Meaning—crush nya rin ako? Woho! Heavens! ^____^

 Kyaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!

 Magtapat kana kasi—sasagutin naman kita agad  eh.

>>>>>

Christmas Ball namin ngayon. NAKAKALUNGKOT-- Pakiramdam ko ang tagal na naming magkaibigan pero hindi parin sya nanliligaw sa akin.

 Bakit ganun? Kahit papaano kampante parin naman ako dahil wala naman akong naririnig na may nililigawan syang iba.

 “This song is dedicated to someone who’s special to me”

Sabi ko sa michrophone bago sinimulang kuskusin ang gitara. Nag presenta kasi akong mag intermetion para makapag dedicate ako ng kanta sa kanya.

 Sana naman ma-gets nyang sya ang tinutukoy ko.

(Ang gusto ko Ang gusto ko Gusto ko sanang Sabihin sa iyo Pero paano Paano Pag malapit ka’y Nauutal ako Nahihiya Tumitiklop Nawawala bigla ang sasabihin ko  Ang nakikita ko lang
 Ay ang mukha mo Lahat sa paligid ko Ay naglalaho)

 Nakatingin kami ngayon sa isa’t isa . Hindi ko mabasa ang emosyong naglalaro sa mga mata nya. Pero nakangiti  sya sa akin.

(Siguro’y umiibig Kahit di mo pinapansin Magtitiis nalang ako Magbabakasakaling Ika’y mapatingin Kahit sa panaginip Ikaw lang Ang aking hinihiling Sa bawat ngiti mo Sa panaginip ko Parang ayoko nang magising)

Kumirot bigla ang puso ko nung makita kong kinakausap nya na si Kate, ang class candidate for valedectorian, and not to mention ay kaagaw ko sa tittle. Bakit ganun? Bakit parang wala syang kabalak-balak ligawan ako? Sya na ang may sabing maganda naman ako diba?

 (Ayaw ko Ayaw ko Ayoko sanang magmukhang tanga sa’yoPero nalilito Nalilito Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko At tulala nalang sa’yo Ano ba naman bakit lagi nalang ganitoAng nakikita ko lang Ay ang mukha mo Lahat sa paligid ko Ay naglalaho)

Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Napansin ko nalang na namamasa na pala ang pisngi ko. Nakakalungkot lang talaga. Bakit kailangang ganito? Bakit?

Ng matapos ang kanta  bumaba na ako ng stage. Hinanap ko sya pero di ko na sya nakita. Malamig ang pasko ko mamaya. Kasi di man lang nya ako binati.

SIGHS.

>>>>>

Valentines Day. Ang daming nagbigay ng bulaklak at cards sa akin. Pero bakit sya ni greetings hindi nya ginawa? Haay!! Plano ko pa naman sanang sabihin na sa kanya ang nararamdaman ko ngayon pero di ko sya mahanap?

Nasaan na ba yun?. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon.

Pakiramdam ko kasi, sasabog na ang puso ko kung hindi ko pa sasabihin sa kanya. Kailangan ko talagang ipaalam sa kanya ang tunay kong damdamin.

 “Hi Aica!” napalingon ako dun sa nagsalita. Napakunot ang noo ko ng mapakilala kung sino sya.

 Si Jake Delcampo pala. Ang school’s basketball team captain. Popular sya at katulad ni Kiel ay marami ring humahanga.

Pero suplado sya kaya takot lumapit ang mga babae sa kanya. Crush ko sya oo, pero katulad ng iba takot din ako sa kanya.

Napatingin ako sa hawak nyang heart shaped ballons. Sinong pagbibigyan ya? Ah! Baka may type sya sa mga kaklase ko. At gusto nyang tulungan ko sya. Pero—dinaman kami close ah.

“Yes?” casual na tanong ko.

Tila nahihiyang nagkamot sya ng batok. Kung hindi ako nagkakamali ay bigla syang nag-blush. Kyaaaaaaaaaaahhhhh! Ang kyut! Hoho.

^______^

“Ah--- for you.”

Nagulat ako sa sinabi nya, di makatingin ng diretso sa akin habang inaabot ang hawak nyang ballons.

“S-salamat.” EMEGED. Ang swerte ko yata ngayong Valentine’s day na ito. Kyaaaahhh!! Ang gwapong supladong si Jake Delcampo binigyan ako ng ballon?

For sure! Madaming maiinggit neto. And did I just--

Instantly--

Fall for him?

“Pwede ba kitang ligawan?” kung nagulat ako sa pagbibigay nya sa akin ng ballons mas nagulat naman ako sa sinabi nya.

 Kamuntik na akong mahulog sa upuan ko, hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong sabihin.Before I was able to say a thing bigla nalang may humigit sa braso ko-- Ng tingnan ko kung sino

 It’s Kiel.

Why would he drag me? Ayiiieeee!! Nagseselos ba sya? Pero parang gusto  kong umu-o dun kay Jake ee.

>>>>>

PROM NIGHT. Si Jake ang date ko dahil hindi sumali si Kiel. Ewan ko ba dun. Wala paringimprovement ang aming friendship.

Well hindi narin naman ako masyadong affected, though may nararamdaman parin ako sa kanya kahit papaano. Syempre Long time crush ko yun eh.

But-- the feelings I have for him? Hindi na kasing grabe noon. Maybe because natanggap ko ng hanggang magkaibigan lang kami? Or maybe it’s all because of Jake. I think some people are meant to be just friends.

We danced and danced. Syempre last na namin to dahil seniors na kami. Masayang kakwentohan si Jake. Pag kasama ko sya walang dull moments.

And I realized, what I felt for Kiel was just infatuation. Of course that doesn't change the fact na magkaibigan kami. Sagutin ko na kaya 'tong si Jake?

“Kailan ko malalaman ang sagot mo Aica?” seryosong tanong ni Jake. Naka-upo na kami sa table namin dahil pareho na kaming napagod ka-kasayaw.

“Yes Jake sinasagot na kita.” Bigla nalang yung lumabas sa bibig ko. Lumuwang ang ngiti nya at niyakap ako.

“Wala ng bawian ha?! Woho!”

 Kinarga nya ako saka inikot-ikot. Nagkatawanan kaming dalawa habang nakatingin sa amin ang mga kinikilig na estudyante at nanunukso.

>>>>>

Dahil kaibigan ko si Kiel, gusto kong e-share sa kanya ang nangyari. Kaya siguro basta nalang nawala ang feelings ko for him. Thanks to Jake!

“May sasabihin sana ako sayo Kiel.” Nasa rooftop kami ngayon ng school.

“What?” Sasabihin ko na ba agad? Aish! Teka nga muna—ba’t hindi ko muna sya biruin para malaman ko ang dahilan kung bakit di nya ako niligawan. Wala talagang manners tong lalaking 'to ni hindi manlang humarap sa akin.

“I’m inlove with you.” Walang emosyon yung pagkakasabi ko. Sana naman wag nya na yung mahalata.

 “You have to Unlove Me.” Seryoso nyang sabi. Na ngayon ay nakaharap na sa akin. Pinipigilan kong wag matawa gusto ko kasing malaman ang rason nya.

 “Pero—bakit?” tanong ko.

“Because I’m--” Bahagya syang natigilan tila nag-iisip sya ng idudugtong sa nasimulan nyang sabihin at kahit hindi nya itinuloy ang sasabihin nya. Halos na e-imagine ko na ang sagot na magmumula sa kanya.

 He's inlove with somebody else. Si Kate kaya?

Ouch ha! Di hamak naman na mas beauty ako dun. Hmp! Sige na. Uy! Hindi ako bitter may boyfriend na kaya ako..

Pero biruin ko kaya? Alam ko namang hindi yan bakla, gusto ko lang asarin. Makabawi manlang sa pagka-assuming ko. Kala ko kasi dati gusto nya ako, hindi naman pala. Aish!

 “Your gay.” Pagtatapos ko ng sasabihin nya. Habang malawak ang pagkakangiti

 ^_________________^-ako

 O________________________________________________O-sya

Nanlaki ang mga mata nya. Hindi na yata maipinta ang hitsura nya. Yay galit ba sya? Waaahhh! Ba't ko ba kasi sya biniro. Naku Lord ayoko pa pong malagutan ng hininga. Ba't ko ba kasi nasabi yun?

 Nagulat ako ng lumapit sya sa akin-- at hinampas ako.

 “Bruha ka! Anong bakla! Babae ako noh?! Kaloka ka!*roll eyeballs*”

THE END

MORAL LESSON: Hindi lahat ng gwapo lalaki, hindi lahat ng maganda babae. :D

A/N:Wala bang kwenta? Hahaha! Penge parin ng votes at comments ha! Anyway, may story po si Keil on going sya ang tittle ay He's A Gay Gangster. Kung interesado ka po, you can read it anytime. God bless us All.   ^________________^

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...