Infatuation or Love

Ano nga ba ang pinagkaiba ng love sa infatuation lang?



Ang love maraming meaning yan..




Pwedeng ang love ay kung na saan-saan lang, kaya masasabi mong ito ay "love is in the air"




Pwede din namang "love is blind" kasi habang nagmamahal ka, hindi mo makikita yung mga faults ng minamahal mo




Ang love pangmatagal yan eh, yung panghabambuhay na..




Pero ang infatuation?




Ito yung panandalian lamang..




Yung hindi permanente..



Pero sa infatuation, panandalian lang din ba ang sakit?




Kayo na ng bahala manghusga kung ano nga ba ang mas matimbang? Kung yung love o ang infatuation lang?

0Likes
0Comments
112Views

1. Prolegomenon

 

 

 

"Mahal mo pa ba ako?" Tinanong ko siya habang nakatingin ako sa mga mata niya pero bigla niyang iniwasan ang tingin ko. Hindi pa din siya sumasagot..

 

 

 

"Mahal mo pa ba ako? Gusto mo pa bang ituloy  natin ito?" Pagpapatuloy ko..

 

 

 

"Hindi ko alam" Ilang beses ko siyang tinanong pero yun lang ang mga salitang lumabas sa bibig niya. Parang may tumusok sa puso ko pagkatapos kong marinig ang mga salita niyang iyon. Pinipigilan ko umiyak kahit sobrang sakit na dahil maraming tao dito ngayon sa canteen.

 

 

 

"Mahal mo pa ba ako? Kasi ako, mahal pa kita. Mahal na mahal pa kita" Hinawakan ko ang mga kamay niya habang nakatingin ako sa mga mata niya..

 

 

 

 

"Hindi ko nga alam. Bakit ba ang kulit mo?" Sinabi niya habang tinatanggal niya ang mga kamay ko na nakahawak sa mga kamay niya. Konting'konti na lang at tutulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pero mahal ko talaga siya, hindi ko alam kung anong magagawa ko kung mawawala siya..

 

 

 

 

Ilang minuto ang nakalipas at walang nagsasalita sa amin. Balak ko ng tapusin itong pag-uusap na ito dahil sa tingin ko wala naman itong patutunguhan. Walang-wala. Mahirap umasa. Mahirap paniwalain ang sarili ko na iba na ang gusto niya. Na sawang-sawa na siya sa akin. Na kahit nasasaktan ko na siya, siya pa din yung gusto ko para sa akin.

 

 

 

 

"Last na ito, mahal mo pa ba ako?" Lakas loob ko siyang tinanong. Kasabay nito ang mga pagpatak ng mga luha ko. Umaasa ako na sana sabihin niyang kami na lang ulit, na ako na lang ulit. Sana sabihin niya na wala siyang gustong iba kundi ako lang. Sana sabihin niyang mahal pa niya ako. Natatakot ako sa maaaring isagot niya..

 

 

 

"Bakit ba ang kulit mo? Doon ka na nga sa mga kaibigan mo. Hinihintay ka na nila oh" Napanganga ako sa sinabi niya..ilang minuto pa ang lumipas bago ako magsalita. Hindi ko matanggap. Bakit? May pagkukulang ba ako sa kaniya? Mahal ko naman siya eh. Mahal naman namin ang isa't isa eh. Bakit ganito?

 

 

 

 

"Okay. Kung iyan ang gusto mo, pagbibigyan kita. Hindi na ako maghahabaol sayo. Salamat sa lahat." Pagkatapos ko sabihin iyon sa kaniya umalis ako. Tumakbo ako sa CR upang umiyak. Ayaw kong ipakita sa mga kaibigan ko na  ganito ako kahina..na ganito ako katanga para maghabol sa isang lalaki na nagsawa na sa akin. Pagkatapos ng araw na ito, alam kong tapos na. Wala ng kami. Wala na siya lagi sa tabi ko. Ako na lang mag-isa. Ako na lang ang haharap mag-isa sa mundo...sana makaya ko...sana..

 

 

 

 

 

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...