Love Anatomy: Nia Althea & Warren Prince

This is one of the stories in my series: Love Anatomy...

0Likes
0Comments
237Views
AA

2. Love and Loath

~~Warren's POV

Hindi ko akalain na madidisgrasya ako sa pagliligtas sa hindi ko kaano-ano, bakit ko nga ba iniligtas yung kaibigan nung gusto ni Jared?Ang weird ko kanina. Nabadtrip ako kahit na nagsorry at nagpasalamat siya sa'kin, hindi naman dahil sa nasaktan ako, iba kasi ang naramdaman ko sa kanya kanina noong nasalo ko ang ulo niya, napatingin siya sa mga mata ko, at hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng kakaiba. Kaya idinaan ko sa pagsusungit ang pakikipag-usap sa kanya. At habang ginagamot niya ang siko ko hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya, halata mo sa kanyang mukha na nag-alala siya dahil nasugatan ako at dahil akala niya galit ako. Nababasa ko ang iniisip niya. Lilinawin ko, hindi ako mind reader, nababasa ko ang iniisip ng iba dahil sa kilos nila at facial expresion.Kung tutuusin maganda si Nia Althea, 'yon nga lang halata mong simple lang siya at galing lang sa isang simpleng pamilya. Madalas ko kasi siyang makita pati ang mga kaibigan niya dahil si Jared may may gusto dun sa isang kaibigan ni Nia Althea, si Deandra Cher.

'Wag na kayong magulat kung bakit kilala ko sila kahit hindi sila sikat tulad namin, hindi sa pagmamayabang, iyon ang totoo. Kilala ng grupo namin ang bawat estudyante dahil sa mga magulang namin, ang sabi nila sa'min ay alamin namin ang lahat ng tungkol sa bawat estudyante ng Kingdom University dahil gusto nilang malaman kung sino ang apo ng may-ari ng unibersidad na si Mr. Clarence Versailles. Syempre alam namin ng mga kaibigan ko kung bakit gusto ng mga parents namin na malaman kung sino ang apo dahil gusto nilang makipagbusiness deal sa isa sa pinakamayaman sa Europe at Asia. Pero okay lang naman sa'min 'yon na makilala ang kaisa-sang apo ni Mr. Versailles, iyon nga lang wala kahit sino sa amin ang nakakaalam kung sino siya at kung siya man ay babae o lalaki, pero hindi kuntento ang mga magulang namin kaya kumuha pa sila ng private investigator para malaman kung sino iyon, pero bigo sila, kaya hanggang ngayon walang nakakaalam kung ano ang pagkatao niya.

"Hon, anong iniisip mo?" Putol ng girlfriend ko sa'kin.

"Wala naman, Hon." Napatingin ako sa kanya. Maganda si Janette at well developed na ang katawan, medyo spoiled pero malambing naman.

"Wala? Eh hindi mo ata narinig ang sinabi ko?" Nagtatampong sabi niya sa'kin.

"I'm sorry, Hon. Ano ba iyon?" Nilambing ko para hindi magalit.

"Sabi ko would you prefer me wearing my undies or a lingerie while we're doing it? Syempre gusto ko prepared ako."

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi na siya virgin noong maging kami. Pero wala akong pakialam kung birhen pa siya o hindi. Ilang beses na siyang nag-initiate na gawin namin 'yon, pero dahil mahal ko siya at nirerespeto ay hindi ako pumapayag. Hindi dahil sa ayaw ko, sino ba naman ang aayaw kung isang super ganda, super sexy at super hot ang magaaya ng S**? Pero gusto ko gawin namin iyon pag ikinasal kami.

Nagtatampo siya sa'kin 'pag tumatanggi ako, pero naiintindihan niya naman ako. I know what you're thinking, nope I'm not a virgin, marami na akong experience sa kama. Pero simula noong maging kami ay talagang tinigilan ko na.

"Hon, are you listening to me?" Naiinis na pukaw niya sa'kin.

"Hon, hindi ba napag-usapan na natin 'to?" Maingat kong sabi sa kanya.

Napabuntong hininga siya, at halatang nainis kahit na nakayakap ang braso niya sa bewang ko.

"I'm sorry, Hon. Sino ba naman ang hindi ka pagpapantasyahan, eh ang hot at yummy mo!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Ikaw kaya ang mas hot at yummy sa'ting dalawa. Ako ang dapat humingi ng sorry sa'yo."

Umiling siya at ngumiti sa'kin. "No, okay lang iyon. I love you."

"I love you, too."

"Ay, nakalimutan ko, may project nga pala kaming gagawin." Tumayo siya. "Mauna na ako, Hon."

"Gusto mo ihatid kita sa room mo?" Pag-aalok ko sa kanya.

"Hihihi! Ang sweet mo." Natawa siya. "No need, Hon, baka sa library na ako dumiresto para maghanap doon."

"Okay, sige. Magkita na lang tayo sa Old ng 4pm." Kiniss ko siya sa lips. 'Yung 'Old' na tinutukoy ko ay ang old music room namin na nasa pinakadulo ng buong University. Doon ang meeting place naming dalawa kapag ayaw namin makisalamuha sa ibang tao.

Umalis na siya at ako naman ay pumunta sa tambayan ng barkada ko. Ang kwartong iyon ay malapit sa gym, at exclusive lang para sa akin at sa mga kaibigan ko ang lugar na iyon.

 


——————————

 

After Lunch. 1: 15 P:M

 

Nagugutom ako. F***. Bakit kasi wrong timing naman na may makabangga ako at masugatan pa. Hindi ko mapigilang hindi mainis. Lumabas ako ng classroom kahit na may Prof pa sa harap, sanay na sila sa'kin kaya wala ng nagulat ng tumayo ako palabas. Madalas akong hindi umattend ng mga classes dahil nabobore ako. Madali ko naman makuha ang mga lessons pagkatapos ko ito marinig. Hindi ko na kailangang magsulat ng notes, ni wala ngang sulat ang mga notebook ko, puro mga lettering at drawing lang ng kung anu-ano. Pero bumabawi naman ako sa mga report, projects, recitation at quizzes. Naglakad ako papuntang canteen at nagtingin tingin ng pwedeg kainin. Naisipan ko burger na lang para madaling maubos at matulog na lang sa loob ng classroom. Pagkatapos kong bayaran iyong burger ay lumabas na ako habang kinakain yung burger. Napatingin ako sa kaliwa ko ng mapansin ko na may nakaupo sa isang bench doon. Si Nia ang nakita ko, nakaupo habang may subo-subonh tinapay sa bibig niya habang yung isa niya kamay may ipinapahid sa gilid ng palad niya.

Bigla akong nawalan ng ganang kumain. Bakit?

Dahil ang ipinapahid niya sa kamay niya ay bulak, pagkatapos noon ay nilagyan niya ng band-aid saka itinuloy ang pagkain ng tinapay.

Umikot ako sa likod niya para malaman kung ano talaga ang ginagawa niya.

"Grabe naman 'to! Hindi kasi ako nag-iingat, nakabangga na ako ng tao, nasugatan siya at pati pala ako meron ding gasgas!" Sabi niya sa sarili niya.

Nakonsensiya ako sa narinig ko. Nainis ako sa kanya samantalang nagamot agad ang sugat ko at yung sugat niya ay hindi ko man lang napansin. Nainis ako na hindi man lang pumasok sa isip ko na nasaktan din pala siya. Tama pala si Jared kanina. Napansin kaya niya ang sugat sa babaeng ito o baka talagang naisipan lang niyang itanong iyon? Pambihira itong babaeng ito, sinungitan ko pa rin siya kahit nagpasalamat, nag-sorry at ginamot na niya ako, pero hindi man lang siya nagalit o nakipagtalo sa'kin?

Napatingin uli ako sa kanya.

"Hay, sana hindi mamaga ang kamay ko." Tumayo na siya ay umalis, bitbit yung maliit niyang first aid kit.

Napansin ko na may nalaglag na kung ako mula sa vest niya. Lumapit ako sa inupuan niya at dinampot ang bagay na nalaglag. Isang brooch. Pero ang weird naman ng itsura ng pin na ito. hindi ko alam kung may sira ba yung brooch o ganun talaga ang design niya.

Napailing na lang ako at ibinulsa ang brooch niya.

 

——————————

 

Kinahapunan. 2:52 PM

Napagpasyahan namin ng barkada na dumiresto sa Old dahil ang apat samin ay walang prof, yung tatlo naman sina: Jared, Alonzo at Gil ay nakigaya sa'min. Hahaha! Mga inggit.

Ang balak namin kami na lang ang mag-aantay sa girlfriend ko kaya magkakasama kami na papunta sa Old.

Noong makarating kami doon ay nagulat kami dahil nakasara ang pinto. Hindi namin sinasara ni Janette yung pinto dahil mainit sa loob, kahit na may bintana.

"Sino kaya ang nagsara ---" Naputol ang sasabihin sana ni Troy ng may marinig kaming kakaibang tunog, parang langitngit ng kahoy. Nagkatinginan kami.

"Mukhang alam ko na kung bakit nakasara." Natatawang bulong ni Kite sa'min, lahat kami pigil ang tawa habang nakikiramdam sa loob. Maya-maya pa'y may nagsalita.

"Ooohhh... J-Jacob, sige pa..."

"SH**! A-Ang sarap mo talaga!"

"Aaahhh... Ooohhh..."

"Ssshhh... W-Wag kang masyadong m-maingay..."

"Aaahhh... I c-can't help it..."

"Si Jacob pala ang nasa loob, sino kaya yung babae? Familiar yung boses." Sabi ni Dylan sa'kin. Nagkibit-balikat lang ako.

"Gulatin natin sila!" Loko talaga itong si Jared. "Wag natin bigyan ng ending yung ginagawa nila."

"Hahaha! Ayos yan!" Pagsang-ayon Ni Silver.

"One the count of three, bigla natin bubuksan 'yung pinto." Tatawa-tawang sabi ni Troy.

"One..." Simula ko.

"Two..." Sunog na sabi ni Pierre.

"THREE!" Sabay-sabay na sabi nung iba. BOOOGSH!

"Hahah! Huli kayo Jacob at...-----" Nanlaki ang mga mata naming lahat. "J-Janette?"

PUT******, akala ko kami ang manggugulat sa kanila, hindi namin inaasahan na kami ang magugulat. Ang girlfriend ko, nakikipagS** sa kateammate ko sa basketball. Nanlalaki ang mga mata namin habang nakatitig sila. Ang girlfriend ko halos hubad na, ang natira na lang ay ang bra at skirt niya, habang si Jacob naman ay nakabukas ang lahat ng butones ng polo at nakababa ang pantalon, magkadikit ang ibabang maselang parte ng mga katawan nila.

"PUT******!" Napasigaw ako ng mahimasmasan ako. "MGA HAYOP KAYOOO!"

Ubod ng lakas ko sinipa ang pinakamalapit na mesa at muntik na iyong tumama sa dalawang naglalampungan. Galit na galit ako, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Halo-halong galit, pagkasuklam, pandidiri, lungkot at panghihinayang ang nararamdaman ko.

"Pare! Pare!"Pigil sa'kin ng barkada ko, nagwala ako, pinagsisipa ko ang lahat ng upuan na makita ko at lumabas ng kwartong iyon. Pinagsisipa ko din ang mga paso ng halaman na nakita ko. Pakiramdam ko nagdilim ang paningin ko. Kinuha ko ang isang paso at ihahagis ko sana sa harap ko sa sobrang gigil ng matigilan ako. Si Nia Althea, ay naestatwa sa harapan ko at halata sa kanya na natakot siya sa gagawin ko, kaya imbis na ihagis ko iyon sa harapan ko ay ibinato ko iyon sa salamin ng bintana ng Old, wla akong pakialam kung masaktan si Jacob at Janette.

BOOOGSH... nabasag ang salamin, pero wala akong paki. Nagwalk-out ako at nilagpasan si Nia Althea. Alam ko hindi agad ako susundan ng mga kaibigan ko. Kilalang-kilala nila ako kapag ako ay galit. Hinahayaan muna nila ako. At nagpasalamat ako na hindi sila sumunod sa'kin, baka pati sila madamay pa. Napaupo ako sa labas ng gym namin, hinihingal ako sa ginawa ko. Parang naubusan ako ng lakas. Nakaramdam ako ng kirot sa kaliwang siko ko. Tinignan ko iyon at hindi ko mapigilang maisip si Nia Althea habang ginagamot niya ang sugat ko at ang takot sa mga mata niya ng makita niya ang ginawa ko sa paso. Bigla akong nalungkot at nakaramdam ng awa sa sarili. Mahal ko si Janette, pero pagkatapos ng nasaksihan ko, ay hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya. Napayuko ako, maya-maya ay nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang pagpatak ng mga luha, pero umirap ako kaya nawala ang mga luha.

"W-Warren..." Napatingala ako sa gulat. Si Nia Althea umiiyak. Nabigla ako, niyakap niya ako.....

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...