Love Anatomy: Nia Althea & Warren Prince

This is one of the stories in my series: Love Anatomy...

0Likes
0Comments
235Views
AA

1. Imprinted in My Mind

~~
Althea's POV
Inhale... Exhale... Inhale...---
"What are you doing?" Naputol ang pagbuntong hininga ko. Si Deandra Cher at kasama si Amber Samantha, mga bestfriends ko sila simula noong Elementary. At kahit nasa College na kami ay magkakasama kami, iba-iba lang ang mga kurso namin.

Napatingin ako sa uniform na suot ko. Ang uniform ng Kingdom University ay parang sa ibang bansa, kaming mga babae and uniform namin ay long sleeaves na white polo, plain na dark blue na above the knee na pencil-cut skirt, at checkered na blue na vest at black na ribbon, stockings na dark color at 3 inches high heeled shoes. Ang sa mga lalaki naman namin ay long sleeves na polo, black slacks at checkered na blue na coat at black na necktie. May mga nameplates din kami at nakalay ang panglang namin at course.

"Kinakabahan ako." Sabi ko sabay iling. Nagkatinginan sila pagkatapos ay sa'kin naman tumingin. "Second year na tayo, siya naman 4th year na."

"Oh, anong connect?" Tanong ni Amber, sumabay sila sa paglalakad ko.

"Sana mabigyan man lang ako ng chance na makausap siya or mapansin niya." Hiling ko sa kawalan.

"Paano ka mapapansin, eh napaka-invisible mo." Pang-asar ni Cher.

"Oo nga, ni hindi ka gumagawa ng paraan para makita ka niya, hindi mo gayahin yung ibang makapal ang mukha sa Campus na ito!" Singit ni Amber.

Ang pinag-uusapan namin ay walang iba kungdi si Warren Prince Tan, ang aking secret love.

"I will make sure na ngayong taon ay magbabago iyon!" Sabi ko sa mga kaibigan ko. "Gagawa ako ng paraan para kahit paano ay makilala niya ako, malay n'yo in the future humingi siya sa'kin ng tulong."

"Ha! Ha! Ha!" Natawa silang dalawa. "Paano naman mangyayari na hihingi siya ng tulong sa'yo, eh baka ikaw ang mangailangan nu'n!" Natatawang sabi ni Amber.

Sumimangot ako, pambihira talaga itong dalawang 'to, mga kaibigan ko ba talaga ito? Tinawanan pa ako!

"Kainis kayo! Wala kayong bilib sa'kin!" Napanguso ako.

"Ha! Ha! Ha! Hindi naman namin sinasabi na wala kaming bilib sayo." Nakangiting sabi ni Cher.

"Ang sa amin lang, talagang milagro nga kung balang araw eh matutulungan mo siya."

"Sana nga, bago man lang sana siya grumaduate ay makilala niya ako."

"Hindi naman malabong mangyari 'yon, mabait ka at maunawain."

"Sus! Binola n'yo pa'ko!" Napangiti ako sa sinabi nila.

Tumunog na iyong alarm ng school namin, iyong katulad ng sa mga airport, yung may nag-aannounce ng flights, ang pagkakaiba sa Kingdom University ay ina-announce na malapit ng magsimula na ang klase, sosyal kasi ang University na ito, puro may mga kaya at mayayaman o anak ng importanteng tao ang nakakapasok dito, meron ding mga scholar, Dean's Lister at sponsored students dito. Everyone knows that I belong to the Scholars, but that is what I let them think. Tinungo na namin ang mga classrooms namin, ako at si Amber ay iisang building lang, si Deandra naman, dahil Nursing ang course niya ay sa Science Building siya, na katabi ng building namin. Nagpaalam na kami sa isa't isa at naghiwa-hiwalay na ng daan.

"KYAAAHHH!" May tumiling babae sa kanan ko, nagsigawan na din ang ibang babae.

Napalingon ako kung saan sila nagkumpulan. Si Amber naman na katabi ko ay napataas ng kilay.

"Ang iingay naman ng mga 'to!" Inis na sabi niya. Napatango ako sa sinabi niya.

"Sino kaya ang dumating? Huhulaan ko!" Sarkastikong sabi niya sa'kin. Napa-roll eyes naman ako sa kanya.

"WARREN! KYAAAHHH!" Sigaw nung isang babae

"MARK! ANG GWAPO MO!"

"ALONZO PA-KISS!"

"JARED! I LOVE YOU!"

"WAAAHHH! TROY!"

"GIL MARRY ME!"

"MAKKI BE MY BOYFRIEND!"

Yan ang mga sigaw na narinig namin, grabe lang talaga, nakakainis! Napatingin na ang halos lahat ng tao sa mga bagong dating. Sina Jared at Mark may bitbit na mga helmet, habang yung limang natira mga luxury cars ang gamit. Sila na ang mayaman! Si Mark sinuklay pa ang medyo nagulong buhok ng kanyang mga daliri at tumango lang sa mga babaeng nagtitilian dahil sa kanila. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang mga lalaki habang kami naman ay sinundan sila ng tingin. Napatigil sa paglalakad si Jared ng makita kaming dalawa ni Amber. Lumapit siya sa amin kaya yung mga kaibigan niya ay sumunod sa kanya pero malayo ng konti sa'min.

"Hi Girls! Di'ba kayo 'yung mga kaibigan ni Deandra?" Nakangiting tanong ni Jared sa'min. Amber raised one of her eyebrows to him.

"Yes." Maikling sagot ni Amber.

"Nice to meet you ladies." Inilahad niya yung kamay niya sa'min para makipag-kamay. Hindi nagsalita si Amber at tinanggap lang ang handshake niya.

"Uh... You too, I guess?" Sabi ko naman sa kanya nung ako na yung kinamayan niya. Tumawa siya at nagpaalam na pagkatapos.

Napatingin kami sa mga babaeng kanina pa sumisigaw pero natahimik noong kinausap kami ni Jared. Matalim ang mga tingin nila sa'min pero hindi naman na sila nagkumento pa.

Tumalikod na kami at dumiresto na sa mga rooms namin, pero hindi ko napigilan ang sarili ko na lumingon sa direksyon ni Warren, may lumapit sa kanyang girl... Si Janette, ang girlfriend niya. Kanina kasi noong lumapit sa'min si Jared, tahimik lang na nakatingin sina Warren at ang iba pa sa amin. I can't help but smile, kahit na hindi ko siya nakausap. Naalala ko kung paano ko siya nakita. I liked him ever since last year, Freshman ako noong unang kita ko sa kanya sa parking lot, may nagsigawan kasing mga babae noong papunta ako sa Dean's Office, doon ko nalaman na isa siya sa pinakasikat hindi lang dito sa Kingdom University kungdi maging sa ibang unibersidad at kolehiyo. Siya ang isa sa mga heartthrob ng University namin. Laging tumitili at sumisigaw ang mga babae kapag dumadaan siya at ang kanyang mga kaibigan. Lagi din siyang binibigyan ng kung anu-ano ng mga babae. Pero kahit isa sa mga iyon wala siyang tinatanggap. Una ay dahil hindi niya gusto ang mga ibinibigay sa kanya at pangalawa ay may nobya na siya, si Janette isa sa mga sikat na babae sa'min. Masasabi kong hindi naman suplado si Warren o kahit ang mga kaibigan niya, kapag may kumakausap sa kanila or bumabati ay tumatango naman sila, pero hindi sila yung tipo ng tao na friendly. Kapag hindi nila kilala o kaibigan ay hindi sila ang unang namamansin, bihira ko din silang makita na magulo o makulit, madalas seryoso sila kapag kaharap kami.

Napatingin uli ako kay Warren, nasa hulihan sila ng mga kaibigan niya at mukhang nag-uusap sila ni Janette, base na din sa paggalaw ng kanilang mga ulo at kamay. Naalala ko ang mukha niya, ang makapal na kilay, ang magagandang mata, at matangos na ilong at ang manipis at mapula niyang mga labi. Ang sarap sigurong maging boyfriend si Warren.

"Ano bang pinagsasabi mo, Althea?" Bulong ko sa sarili. "Nababaliw ka na!"

I sighed and went inside our classroom, at nadistract naman ako agad dahil dumating agad ang Prof namin.

 

——————————

 

Lunchtime.

 

Sa cafeteria namin naisipan na kumain ng mga kaibigan ko, para marami kaming mapag-piliang ulam. Pumila na kaming tatlo at nagtingin-tingin na ng makakain ng may maalala ako.

"Girls, naiwan ko yung wallet ko sa bag ko!" Sabi ko sa kanila.

"Ano ba yan, ang tanga nung wallet, nagpapaiwan!" Nang-asar pa si Amber.

"Bilisan mo huh!" Sabi ni Cher. "Ano ba ang gusto mo at kami na ang bibili?"

"Huhuhu! Hulog ka ng langit!" Napayakap ako kay Cher. "Kanin at kare-kare sa'kin at Sprite!"

"O siya bumalik ka agad!"

"Thank you! Tatakbuhin ko na!" At tumakbo na ako papunta sa room namin.

Nakarating agad ako sa classroom namin at kinuha agad ang wallet sa loob ng bag ko. Tumakbo ako palabas para makabalik agad kina Cher, habang tumatakbo binuksan ko yung wallet ko at tiningan kung may barya pa ako. Binilang ko yung pera ko at nung nasiguro ko na okay yung pera ko ay tumakbo ako uli hanbang sinasara yung wallet ko, hindi ako nakatingin sa dinadaan ko kaya may nabangga ako.

"AAH!" Napatili ako. Nawalan ako ng balanse.

"SHIT!" Napamura naman yung nabangga ko. Kilala ko yung boses na yun!

Si Warren yung nabangga ko! Lagot! Teka, wala akong makapitan! I closed my eyes and waited for my head to hit the concrete floor.

"H-Huh?" Wala naman akong naramdamang masakit sa ulo ko. Napadilat ako.

"Ugh..." Warren groaned while looking at me. Sobrang ganda ng mga mata niya!

Unti-unti kong narealize na ang awkward ng posisyon namin, nakahandusay ako at ang braso niya ang sumalo sa ulo ko bago pa man ako mabagok. At siya ang nasa ibabaw ko. Napaupo siya sa semento. At ako naman ay tumayo na din.

"Warren!" Tawag ni Mark sa kanya.

"'Tol! Anong nangyari?" Si Gil naman ang nagtanong.

"I... I-I'm sorry!" Hinging paumanhin ko sa kanya. "I'm sorry, hindi ko sinasadya, hindi ako nakatingin sa dinaraan ko."

"Mukha nga, tumatakbo ka pa." Sarcastic na sagot niya.

Napayuko ako, galit siya sa'kin! Imbis na magustuhan niya ako, ay kamumuhian niya ako.

Inalalayan siya ng mga kaibigan niya. Napatingin ako sa kanila, lahat sila seryoso, at si Warren magkasalubong pa ang kilay.

"Paano ka maglalalro niyan, Tol?" tanong ni Alonzo.

"OO nga, hindi tayo pwedeng matalo ng kabilang University!"

"Pasensya na talaga." Nahihiya ako.

"Mga pre naman, 'wag n'yo naman awayin si Nia." Sabat ni Jared. "Dapat itanong din natin kung okay lang ba siya."

Napatingin ako at ang mga kaibigan niya kay Jared at pagkatapos at silang lahat naman ang tumingin sa'kin. Halo-halo ang reaksyon nila sa sinabi ni Jared. Yung isa napakamot sa kilay, yung isa sa batok, yung isa napailing, yung isa nainis, yung isa poker face, si Jared nakangiti at si Warren nakasimangot.

"Okay lang ako, Jared. Maraming salamat, Jared at Warren, lalo na at hindi ako nabagok."

"Hindi naman magagamot ng salamat at sorry mo ang sugat ko." Sabi ni Warren.

Doon ko lang napansin na may malaki siyang sugat sa may bandang siko, nakatupi kasi ang long-sleeves niya kaya ang lalim ant ang laki ng gasgas.

"Alam ko naman, kung gusto mo gagamutin ko."

"Marunog ka?" Tanong ni Jared sa'kin.

"Oo, tinuruan ako ng Mommy ko at ni Cher ng first aid."

"Talaga?" Tila natutuwa si Jared na malaman na isa si Cher sa nagturo sa'kin manggamot. Does he like my friend then?

"Ako ba ay gagamutin mo na, o magtatanungan lang kayo magdamag na dalawa?" Masungit na tanong Warren.

"Ang sungit mo bro." Sabi ni Troy. "Meron ka ba?"

Nagtawanan ang mga kaibigan nila pero si Warren lalong nainis. "Mga bwisit kayo! Kayo kaya ang magasgasan sa may siko?!"

"Dito ka lang, kukunin ko lang ang kit ko." Paalam ko sa kanila.

Kinuha ko agad yung kit at ibinalik naman yung wallet ko sa bag, napabuntong hininga ako. Hindi na ako makakakain ng lunch.

"Heto na." Inilapag ko ang kit. "Alcohol lang ang meron ako, konting tiis sa sakit, ah."

"Bilisan mo na lang!" Utos niya sa'kin.

"Kung makapag-utos naman to." Sabi ni Makki.

"May sinasabi ka?" Sinamaan siya ng tingin ni Warren.

"Akina ang kamay mo." Dinistract ko na siya. Agad naman niyang inabot sa'kin ang kaliwa niyang kamay na may sugat sa siko. Hinawakan ko ang braso niya saka idinampi ang bulak na may alcohol.

"Aray!" Napadiin ang bulak sa kanya. "Galit ka ba? Bakit imbis na gamutin mo, parang gusto mong lumala?"

"S-Sorry." Itinuloy ko ang paggamot sa sugat niya.

"Ngayon ko lang napansin, bagay pala kayo." Nagulat kami sa nagsalita. Si Alonzo, na nakangiting aso.

"Oo nga, kung wala lang girlfriend itong kaibigan namin, iisipin namin na kayo ang couple."

"Ang babaduy n'yo mga pare, para kayong mga bakla." Sagot ni Warren. Tinawanan lang siya ng barkada niya.

Napailing na lang ako. Ang lakas ng trip ng mga lalaking 'to. Binilisan ko ang paggagamot sa siko ni Warren, naiilang na kasi ako, may mga dumadaan na kasing ibang estudyante. At karamihan sa kanila masama ang tingin sa'kin. Nilagyan ko ng tatlong malalaking bandaid na bigay ng lolo ko ang siko niya. Nagsorry uli ako at nagpasalamat sa ginawa niya at nagpaalam na. Hindi siya nagpasalamat bagkus ay umalis na kasama ang mga kaibgan niya. Si Jared ay kumaway pa sa'kin bago tuluyang umalis, nilingon ko lang sila nung malayo na sila.

Namula ako nung maalala ko ang itsura namin ni Warren kanina. At yung mga mata niya, ibang klase ang mga tingin. Parang tumatagos sa pagkatao ko.

" Saan ka ba galing?" Kalabit sa'kin ni Amber.

"Sabi mo, saglit ka lang." Segunda naman ni Cher. "Anong ginagawa ng grupo ni Warren dito?"

"Inaway ka ba nila? Bakit? Teka mapuntahan nga---"

"Hindi nila ako inaway, may nangyari kasing hindi maganda."

At ikinuwento ko ang nangyari kanina, noong una, hindi sila makapaniwala, pero nung nakita nila na hawak ko ang first aid kit ko ay nakumbinsi na sila. Pero kitang kita ko sa mga mukha nila na hindi nila gusto ang nangyari. Nung tinanong ko sila kung bakit ganoon ang reaksyon nila, ay dahil sa mga babaeng may gusto kay Warren, pag nalaman ng fans niya na nasaktan siya dahil sa'kin siguradong aawayin at susugurin nila ako. Nag-alala din ako dahil sa sinabi nila, pero inalis ko 'yon sa isipan ko. Dapat kahit papaano ay makalapit ako sa kanya kahit awayin ako ng mga nagkakagusto sa kanya.

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...