Love Anatomy: Nia Althea & Warren Prince

This is one of the stories in my series: Love Anatomy...

0Likes
0Comments
234Views
AA

3. Comfort of Embrace

~~
Althea's POV
"Ako... Ako ang iiyak para sa'yo... Hindi ko man nakita ang lahat, alam ko kung ano ang nangyari kanina... Alam ko nasasaktan ka." Napaiyak ako sa sobrang lungkot dahil sa itsura ni Warren kanina. Pabalik na sana ako sa building namin, ng maisipan kong daanan yung papuntang Old, tapos doon ko sana balak dumaan papunta sa building namin para mas mabilis ng konti.
Hindi ko inaasahan na makikita ko doon ang grupo nina Warren, nagulat ako ng sumigaw siya ng "PUT******! MGA HAYOP KAYOOO!" Tapos may kumalabog ng malakas sa loob ng music room at maya-maya ay ang pagsisipa at pagbabasak ng paso ni Warren, natakot ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakita ko na pinipigilan ng barkada si Warren at makalipas ang iang segundo ay dumaan siya sa likod ko, napalingon ako sa kanya pero napatingin uli ako sa barkada niya nung sumigaw si Alonzo.

"F***! Paano mo nagawa sa kaibigan namin yun?" Sigaw niya sa girlfriend ni Warren na si Janette. Magulo ang itsura ni Janette at halatang balisa.

Lumabas ang isang lalaki sa loob ng music room, ang pagkakatanda ko kateam siya ni Warren ar katulad ni Janette ay magulo din ang itsura niya. Nahulaan ko na agad ang nangyari. Nagulat ako ng suntukin ni Troy yung lalaki sa mukha at sinikmuraan agad ni Pierre.

"NAPAKALANDI MO!" Sigaw ni Jared kay Janette at hinawakan ng mahigpit sa braso at inalog ng marahas. Napasinghap ako sa nagyari.

Nagulat ata sila na makita ako doon.

"Nia?" Tanong ni Jared. "Anong ginagawa mo dito?"

"Hayaan na natin siya! Si Warren puntahan natin!" Sabi ni Dylan. Para akong natauhan sa sinabi ni Dylan kaya tumakbo ako agad para sundan si Warren.

Hinahap ko siya sa garden pero wala siya doon kaya mabilis akong lumihis ng daan at doon nakita ko siya na nakasalampak sa labas ng school gym at nakayuko. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya o hindi. Pero naawa ako ng husto sa itsura niya, kaya tinawag ko siya at agad na niyakap nung tumingin siya sakin.

"Sabi ng Mommy ko sa'kin... Kapag malungkot ang isang... Tao at nakita... Mo iyon, dapat yakapin mo ang taong iyon... Para iparating sa kanya na hindi siya nag-iisa at may karamay siya..." Sabi ko kay Warren, habang nakayakap sa kanya, hindi ko mapigilan ang mga luha ko. "Kaya ako na din ang iiyak para hindi bumigat ang loob mo."

Bumitaw na ako ng yakap sa kanya habang siya ay nakatingin sa'kin.

"Nandito lang ako, ang mga kaibigan mo at ang mga nagmamaha sa'yo." Pinunasan ko ang mga luha ko at pilit na ngumiti sa kanya. "Sayang hindi na ata kita makikitang ngumiti. Kung hindi ka makangiti 'wag mong pilitin. Kasi dapat kapag ngumiti ka, yung bukal sa puso mo at hindi yung napipilitan ka lang."

Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod at nagpaalam na sa kanya. Pagkadating ko samay building namin ay nandoon na sina Cher at Amber. Mukhang hinahanap nila ako. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala at pagkainis.

Lumapit ako sa kanila at hindi ko napigilan na umiyak at yumakap sa kanila.

"Althea!" Nag-aalalang tanong ni Amber.

"May nangyari bang hindi maganda?" Tanong din ni Cher.

Hindi ko napigilan, lalo akong naiyak sa sinabi nila.

 

 
——————————

 

NORMAL POV

Uwian. Sa bahay nina Cher.

Nandito ang tatlong magkakaibigan ngayon sa kwarto ni Cher, nang mahimasmasan si Althea ay sinimulan niyang ikwento ang mga nangyari ayon sa mga nakita niya. Hindi na naman niya napigilang umiyak.

"S-Si Warren... So-Sobra siyang nasasaktan ngayon... N-Nagwala s-siya kanina sa sobrang g-galit..."

Nagkatinginan sina Amber at Cher pero hinayaan nila na magkwento ang kaibigan sa kanila. Naaawa sila para kay Althea dahil nagkagusto siya sa isang taong hindi naman siya napapansin. Matagal na nilang kaibigan si Althea at ngayon lang ito nalungkot ng husto para sa lalaking gusto niya. Nagulat sila ng malaman na may kinalaman si Janette na girlfriend ni Warren kung bakit nasasaktan ang huli ngayon. Naintindihan nila ayon sa kwento ni Althea na niloko ni Janette si Warren at harapan pa itong ginawa kasama ang ibang lalaki. Hindi na sila nagtaka kung bakit nagalit si Warren pati na rin ang mga kaibigan niya sa ginawa ng babae sa nobyo. Pero nabigla sila ng sabihin ni Althea na niyakap niya si Warren para ito ay icomfort. Hindi nila akalain na magkakaroon ng lakas ng loob si Althea na malapitan at mayakap si Warren sa ganoong sitwasyon. Siguro sa isang banda maganda din na ganoon ang nangyari upang mapalapit naman si Althea sa lalaking gusto niya. Ika nga nila na mabuting ng sumubok kesa maduwag.

"Anong nangyari pagkatapos?"

"Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos ko siyang yakapin at kausapin. Naiintindihan ko naman na hindi siya makapag-react sa ginawa ko kasi nasasaktan siya."

"Syempre, mabibigla yun, niyakap mo eh!"

Natawa si Althea sa tinuran ni Amber pero napatigil din siya agad.

"Sana, okay lang siya ngayon."

Napabuntong hiniga ang dalawa sa sinabi ni Althea, iniisip pa din nito si Warren kesa sa sarili niya. Kahit ka hindi siya pinagtutuunan ng pansin ng binata.

 

 
——————————

 

Cher's POV

Napakabuti talaga ng puso ni Althea, hindi siya makasarili at iniisip lagi ang iba kesa sa sarili niya. Napahanga ako sa pagkakagusto niya kay Warren, alam ko wala siyang ideya kung anong klaseng sakit ang nararamdaman ni Warren sa mga oras na ito, pero dahil kaibigan ko si Althea, alam kong nasaktan siya ng makitang nasaktan at malungkot si Warren.

"Hindi ako naniniwala na gusto lang ng kaibigan natin yang Warren na yan." Sabi sa'kin ni Amber noong kaming dalawa na lang dahil nauna ng umuwi si Althea.

"Oo nga, feeling ko mahal na niya si Warren, hindi lang niya alam."

"Kailangan bantayan natin silang dalawa, hindi malabong magkagusto si Warren sa kanya pero sigurado maraming magagalit kay Althea."

"Alam ko, tiyak lagi siyang aawayin ng mga fans ni Warren o kung hindi kaya ay saktan."

"Tama ka, dahil ang alam sa campus ay isang scholar lang si Althea."

"Kailan kaya niya balak sabihin kung sino talaga siya?" Nag-aalala ako para sa kaibigan namin.

"Oo nga, ayokong may mangyaring hindi maganda kay Althea dahil lang sa aling akala ng buong school."

"Basta, we'll make sure na ang isa sa atin ay available para bantayan siya."

"We will look after her especially from the people from the University." Seryosong saad ni Amber.

Napatingin kaming dalawa sa picture naming tatlo na nakapatong sa isa sa book cases ko. Kuha ang litratong iyon last year, naka-akbay si Amber sa aming 2 ni Althea at malapit ang kuhang iyon sa fave place naming tatlo, ang graden sa may preschool area. At kitang kita sa picture na masakya kaming tatlo.

"OMG!" Napatili si Amber habang nakatingin sa mga pictures sa shelf ko. "Tignan mo 'to!"

"Ano ba kasi 'yun?" Tinignan ko yung itinuturo niya. Nanlaki ang mga mata ko. Kinuha ko ang Picture Frame na kinalalagyan ng litrato namin.

Hindi kami makapaniwala! Nakuha sa litrato si Warren at ang grupo niya, pero yung kuha noong kay Warren ang pinaka-malinaw. Halatang wala silang kaalam-alam na napasama sila sa litrato namin, dahil blurred yung sa mga kabarkada niya pero iyong kay Warren ay kitang-kita ang kanyang imahe.

Nagkatinginan uli kami ni Amber at alam ko na pareho kami ng iniisip. Hindi kaya sign ito or something? Is is something good that will be given to our friend? Like a gift? Sana nga, hindi deserve ng kaibigan namin ang mga pang-bubully sa kanya.

"Hindi dapat ito makita ni Althea." Seryosong saad ni Amber.

"Alam ko, mahirap ng paasahin siya."

"Tama ka."

Hindi namin alam kung dapat ba kaming matuwa na nagkausap sina Althea at Warren at ginamit pa niya ang huli o dapat kaming mag-alala dahil alam naming hindi matutuwa ang mga estudyante kapag nalaman nila ito....

 


——————————

 

Althea's POV

Sobrang lungkot ng pakiramdam ko, kaya nagpaalam na akong uuwi sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto ko at sinimulang hubarin ang uniform ko. Kinapa ko ang brooch ko para tanggaling ito sa pagkaka-pin. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Nawawala ang pin ko! Hindi iyon pwedeng mawala! Iyon ang bubuo sa simbolo ng pamilya namin. Tumakbo ako palabas ng kwarto at pinuntahan agad ang Mommy ko na kasalukuyang nagluluto sa kusina.

"Mommy!" Naiiyak na tawag ko sa kanya.

"O' bakit ka ba sumisigaw? Malapit ng maluto ang sinigang."

"M-My... Naiwala k-ko ho y-yung brooch p-pin." Napahagulgol na ako.

"Sigurado ka ba? Tinignan mo na ba ang bag mo? O kaya wallet mo? Yung bulsa ng palda mo?" Nagpapanic na din si Mom.

"Wala ho iyon doon dahil lagi kong suot iyong sa vest ko." Umiiyak ako habang nag-iisp kung saan ko iyon nalaglag.

"Alam ko, magagalit ang mga Lolo mo, pamana pa iyon ng Lola mo." Nag-aalalang sani ni Mom sa'kin. "Pero sigurado akong alam ng lolo mo na hindi mo sinasadya iyon. Maingat ka sa mga gamit, kaya sigurado ako na nalaglag iyon o natanggal mula sa pagkaka-pin sa damit mo."

"Sige, Mom" Malungkot kong sabi. "Alam ko magtatampo sa'kin sina Lolo. Pipilitin ko hanapin iyon."

"Sige anak, sana mahanap mo iyon."

"Opo, Mom. Balik na ako sa kwarto ko." Umakyat na uli ako. Ibinagsak ko ang katawan ko sa aking kama at tumitig sa kisame.

Lalong bumigat ang nararamdaman ko, akala ko magiging ok ang second year ko. Unang araw pa lang ang daming hindi maganda na agad ang nangyari. Imbis na mapalapit ako kay Warren, nainis siya sa'kin at nasaktan pa siya dahil sa'kin, tapos nasugatan din pala ako at ngayon naman ay nawala ang brooch ko.

Tumayo ako at binuksan ng bahagya ang pinto at nilusot ang ulo ko.

"Ma! Nawalan ako ng ganang kumain!" Sigaw ko kay Mommy, para marinig niya ako.

"Bakit? Sigurado ka?" Sigaw pabalik ni Mommy.

"Opo Ma. Pasensya na." Tumayo ako ng tuwid. "I love you, Ma!" Sigaw ko uli.

Hindi na sumagot si Mommy, pero alam ko narinig niya ako. Humiga na ako at ipinikit ang mga mata ko.

"Sana wala pang nakakapulot ng pin ko... Walang dapat makaalam kung sino ako..."

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...