Unexpected Love

The best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time.


Available po siya in Wattpad. So just click the external link over here --- http://www.wattpad.com/story/12363953-unexpected-love-julquen

1Likes
0Comments
430Views
AA

4. My Tale

Lumapit ako kay Quen, tapos lumayo naman siya. Ba't naman naging ganto 'tong mokong na 'to? Di siya makatingin ng deretso sakin. Hay. Nakashabu ata 'to eh.

Lumapit ako sakanya para i-check kung may sakit siya. Ang bait eh.

"Wag ka ngang lumapet sakin! Germs ka! Eiw!" Wow kung maka eiw parang siya wala. Kapal din ng pestot nito ah.

"Excuse me, kung germs ako at dadapo ako sayo, mas okay pa ko sa basurahan dumapo noh? Kapal ng pestot mo, fre"

"Basta, lumayo ka sakin"

"Ano ba ba't ang bait mo?" Tinary ko lumapit pero yan nanaman, umiwas.

"Dun ka nga! Maglinis ka dun sa Girl's" Wala akong nagawa kundi sumunod.

Ano ba talagang nangyayari kay Quen? Parang ang bait niya?

Naglinis na ko sa Girl's cr at siguradong tapos narin 'yung mokong 'yun.

Pumunta ako sa may Boy's Cr, wala siya. Sa clinic din,  wala. Sa canteen, wala. Ground, 2nd, 3rd at 4th floor, wala. Asan na ba 'yun?

Nako Julia, ba't mo naman yun hinahanap hanap eh bwiset lang 'yun sa life mo.

Hay. Napaupo ako sa isang mahabang upuan at napansin na wala 'yung tali sa kamay ko.

Hinanap ko yun sa locker ko, wal naman. Sa BAG (Hey Mamon!), wala. Ilalim, wala rin. Bayan! Eh iisa lang 'yun eh. Asan na ba 'yun? Bwise-

"Eto ba 'yung hinahanap mo?" Nakita ko 'yung muka ni Quen sa harap ko at may hawak hawak siyang tale.

Ayputa, ba't nasakanya? Pano napunta sakanya eh nasakin lang 'yun eh.

"Pano napunta yan sayo?!" Tanong ko sakanya at nag smirk naman siya.

"Habulin mo muna ako!" Aba aba, baka gusto niya ng gulo? Baka di niya alam si Julia Montes ata 'tong kaharap niya na ready sa lahat!

Hinabol ko siya at paikot ikot kami. Di ko manlang mahabol si Quen dahil sa sobrang bilis ng takbo niya. Napunta na nga kami sa 2nd at 3rd floor, eh. Hingal na hingal na ako. Di ako makahinga, nahihilo, at sobrang pagod. Hanggang sa naramdaman kong bumaksak yung katawan ko.

Nakarinig ako ng boses ng lalake na sobrang pamilyar at nag black na ang lahat.

* * *

"Jules?"

"..."

"Jules?"

"Hmm?"

"Jules, gising na"

"Hmmm?"

"Huy, Jules gising na!"

"Oo na!" Napatayo ako sa higaan at nagulat kase yung muka ni Angel yung sumalubong sakin, si Djay lumalamon, at si Quen naman nag lalaro sa psp na parang kinakabahan.

Wait- ano bang nangyare? Ba't nandito ako sa clinic?

"Grabe, Jules! Nawalan ka raw ng malay? Buti naman nandito si Quen para sayo at dinala ka pa sa clinic." Sabi ni Angel sakin at nagulat ako.

Huh? Dinala ako? Malamang, siya lang naman ang tao dun eh, kailangan na niya naman akong tulungan nun noh? Buti nga di masyadong badtrip si Quen 'nun. Hahaha.

"Julia, okay ka na ba?" Sabi ni Quen sakin na parang alalang-alala. Yung taong di mapakali.

"Ayie! Si Quen, concern!" Yuck? Si Quen, concern? Wag na! Hala! May Leyum Peyn naman ako eh.

"Hoy!" Tumingin siya sakanila na parang inis na ewan. Hahaha.

"So, first bakit at paano ka ba nahimatay?" Tanong ni Angel sakin. At inexplain na sakanya.

"Eh kase naman hinahanap hanap ko 'yung tale ko. Tapos, nakita ko nalang na nasa kamay na niya. Sabi niya, habulin ko daw siya. Alam mo naman na ang magaganda, uto-uto. Ayun, sinunod ko. Nahilo ako then, pag-gising ko, nakita ko na 'yang pag mumuka mo. Nakakakilabot!" Explain ko sakanya.

"Wait wait wait! So, hinabol mo siya dahil nasakanya yung tale mo?"

"Oo." At hanggang sa umepal si Djay. "Eh Quen, bakit ka naman nag pahabol?" Oo nga naman? Ba't nga ba? Kase trip nanaman niyang mangasar?

"Eh ikaw naman Julia, ba't mo kase siya hinabol?" Oo nga naman? Ba't nga ba?

"Wait nga Djay! Ako muna. So totoo na, hinabol mo siya dahil sa isang tale?" Tanong naman ni Angel sakin ulit. Unli lang?!

"Oo nga!"

"Eh ano yang nasa ulo mo?" Huh'! Ulo ko?

Napahawak ako sa ulo ko at oo nga. Nasa ulo ko nga. So, nandito pala 'to the whole time?! Eh ano 'yung hawak ni Quen kanina?!

Hay nako. Ang tanga tanga mo talaga Julia!

"Puta eh kanino 'yung hawak ni Quen?!" Yumuko naman si Quen.

ANO BANG NANGYAYARI?

* * *

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...