Unexpected Love

The best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time.


Available po siya in Wattpad. So just click the external link over here --- http://www.wattpad.com/story/12363953-unexpected-love-julquen

1Likes
0Comments
472Views
AA

7. MD/AS

Wait, ano daw? Erase, dude. Di pu-pwedeng mangyari 'yun. Hahaha. Nagpapatawa nanaman ako, eh. Grabeng joke yan? Hahaha!

"Huy, babe tulala ka nanaman, eh. Grabe iniisip mo nanaman ako." Huh? Yuck! Kadiri- si Quen? Iisipin ko? WATDAHEK?!

"Hoy! Hindi noh? NAKAKASUKA" Madiin kong sabi with kamay-kamay pa. Kadiri kaya. Grabe na 'tong iniisip ni Quen. Baliw na ata 'to. HAHAHA.

"Asus, eh bakit ka nakatulala? Paki-explain, lab you." Ah, explain ba ang kailangan niya? Maka-isip nga nang way.

"Kase nagulat ako. Nagmamahal pala si Enrique John Carlo Gil? Wow. Taray." Nagtataka siya at hinawakan niya 'yung kamay ko. Sabay halik dito.

"Oo. At mahal na mahal kita. Di mo lang alam." Nanlaki 'yung mga mata ko at kinikilig sa senaryong nangyayari. Hala, Julia? Bakit ka kinikilig? Naka-drugs ka ba?

At ikaw naman Quen,  bakit mo ba 'ko pinapakilig? Ano bang mali dyan sa utak mo?

"Quen! Nakakainis ka talaga! Bakit mo ba 'ko pinapakilig? Kadiri ka!"

"Sabi na, eh? Ako lang ang magpapakilig sayo! At WALA nang iba!"

"Ows? Di nga? Sila Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman at Andre Paras pa noh? Wag ka ngang assuming. Nakakakilig kaya 'yung Diary Ng Panget The Movie!" Hingal na hingal kong sabi at napatawa naman siya.

"Oh talaga tol?"

"Oo! Sus, tanong mo pa, eh."

"Di nga?"

"Oo nga! Ba't ba ayaw mo maniwala! Punyeta ka talaga!"

"Ah talaga lang-" Hindi natapos 'yung sasabihin ni Quen dahil bigla nalang sumingit samin si Sir Ram na panot parin hanggang ngayon at sinabing: "GIL AND MONTES, WHAT ARE YOU DOING?!"

"U--uhm." Sabi ko at nagkatinginan kami at parang sasabog na sa inis ito si Quenkong.

"Sir, nag-uusap lang po kami" Sagot ni Quen sakanya.

"Aba-aba?! Sumasagot ka nanaman?!"

"Malamang, tinatanong mo nga kami, diba? Common sense nga diba?"

"Gil!"

"Sir kase, we're just talking. Ano bang problema dun?"

"Ahh. Ganun ba? GUSTO MO BANG MAPAHIYA DITO GIL? OR GUSTO MONG ISUMBONG KITA SA TATAY MO?!"

"Edi i-sumbong mo! Kung kaya mo!"

"Kaya ko, Gil!"Ngumisi lamang si Quen at nagsalita na agad.

"Ayy Sir- Alam ko, may dapat akong sabihin kay Dad tungkol sayo. Ano nga ba 'yun?" Huh? Ano nanamang trip 'tong pinasok ni Quen?

"Okay class, dun lang ako sa Guidance Office. Good bye." Hanggang sa tinignan niya ng masama si Quen at isinara ang pintuan. Tumawa kami ng malakas ni Quen.

"Okay ka lang, Julia?"

"Oo naman! Salamat nga pala, ah? U-uhm.." Di ko namalayan na hawak hawak parin niya 'yung kamay ko- t-teka? WHAT?!

SI QUEN AT AKO? MAGKAHOLDING HANDS?! AY PUNYETA!

"Q-quen, 'yung kamay ko?"

"Ay shet sorry- sarap kasing hawakan babe." At nanlaki 'yung dalawa kong mga mata, gulat. Huhuhu Lord, eto na ba 'yun? Wow. Ang sarap ng feeling!

"Umayos ka nga sa 'babe-babe' mo dyan!"

"Pano kung ayaw ko?"

"Eh gusto ko, eh?"

"Ayaw ko nga!"

"Eh-"

"Good morning class" Nagulat kami kaya napaupo nalang kaming dalawa ni Quenkong. "Morning Sir Marc"

Si Sir Marc, siya ang pinaka strict samin na teacher. Nakakatakot yan! Pero isa lang ang hindi natatakot samin...

Si Quen.

And yes, may secret din kasi yan si Quen. Nang ba-block mail, eh.

"Sorry pala kanina. Nakipag sigawan pa 'ko sayo"

"Wow. Si Quen, nag-sosorry na! Improving, ah? Anyways, sorry din."

"Babe, i really love you"

"Psh. Ayos!" Tug tug tug. Hala, 'yung puso ko. 'Yung tibok. Bakit ba parati ka nalang tumitibok pag nandyan si Quen? Whoo.

"Ayos naman ako, ah?"

"Huwaw. Eh anong tawag dyan sa muka mo?"

"Pogi" Pagmamayabang pang sabi ni Quen. Eiw?

"Nako! Himala, ah? San banda? Hahaha that was a great joke, Enrique!"

"Lul. Mula ulo hanggang paa"

"Psh. Ang hangin. Wala naman akong makitang pogi dito. Parang wala talaga."

"Kase ako lang naman ang nakikita mo,  eh"

"HOY! KADIRI. DI NOH?"

"Baket, totoo naman ah?" Shet hahaha. Kinikilig ako, tol! Huhuhu tama na!

"Denial" Hala? Denial daw? Hindi naman, eh? Di kaya totoo. Kadi-

"Gil and Montes, stand up." Hala? Lagot na. Napansin siguro kami. Patay kayo, Julia! Dun dun dun!!!

"Montes, answer this" May inabot sakin si Sir na papel na 1/4 lang ata 'yung sukat.

"On the board, now" Kalmang kalmang sabi niya. Nung tinignan ko 'yung papel, oh holy shit.

NGA NGA.

It reads;

Solve for the N:

16 x 17 / 2 x (21 x 8) (80 - 7 + 21 -2) (24 + 32 - 25) = N?

Hala? Nako, anong gagawin ko? Patay. Huhuhu.

"Di ka maka sagot?" Tumango tango ako as my answer at napayuko.

"Minsan kasi, makinig." Mariin niya pang sabi at eto parin ako; nakayuko. Nako, andaya naman! Ako pinatayo tas si Quen hindi? Unfair! Tumingin naman si Sir kay Quen at nag salita. Yes! May kadamay na din ako! Oh yeah! "Now, seat down. Ikaw naman, Gil. Stand up" Tumayo si Quen na parang may papatayin na siya sa sama ng tingin niya kay Sir.

"What does MD/AS means?" Tanong ni Sir sakanya. Badtrip, ang dali ng sakanya. Sakin, ang hirap. Alam naman nilang bobo ako sa Math eh.

"Multipmtgajt, divïdmgb, additktget, subtratgmpadt" Bulong ni Quen habang nakayuko siya. Ano daw? Di ko marinig.

"Laksan mo!" Sigaw ni Sir samin at nagtitinginan na 'yung mga kaklase ko.

"Multipmtgajt, divïdmgb, additktget, subtratgmpadt"Huh? Ano daw? Katabi ko pa siya, ah?

"Gil! I said, LOUDER!"

"Multipmtgajt, divïdmgb, additktget, subtratgmpadt" Nako, parang di 'ko talaga marinig. Katabi ko na siya, ah? Pano pa kaya si Sir?

"Gil! Di ka ba makaintindi? I said Louder! Kung ayaw mo laksan, isigaw mo nalang sa buong mundo!" At hanggang sa lumapit siya sakin. H-huh? B-bakit? Mamanyakin ba 'ko nito? Bakit siya lumalapit?

"Multiplication, division, addition, subtraction" Bigla bigla nalang siya lumapit sakin at bumulong. What? B-bakit sakin? Hindi ba dapat kay..

"Gil! Baket sakanya?! I said shout it in the whole world!"

"Yes.. I did. Because she's my whole world" A-anong- tug tug tug. 'Yu- Yung puso ko. Tama na. Sobra na 'yang pagpapakilig mo!

Lahat sila nagulat, pati ako nagulat. Hindi nag jo-joke si Quen kasi di naman siya tumatawa. Hay- ano ba talaga?! 'Yung mga mata nila, nanlalaki. Maraming nag: "ayiee" at marami ding nag gasp. Karamihan dun, babae.

"Mahal ko po si Julia" Tapos hawak hawak niya 'yung kamay ko.

Kinakabahan ako. At kinikilig..

Baka may gusto na rin ako sakanya?

* * *

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...