Unexpected Love

The best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time.


Available po siya in Wattpad. So just click the external link over here --- http://www.wattpad.com/story/12363953-unexpected-love-julquen

1Likes
0Comments
428Views
AA

14. Last Move

S-sino daw ako? Ako lang naman ang nagmahal sayo ng todo, ah?

"Meron siyang amnesia. Pero na-apektuhan lang naman ang left side ng brain niya dahil sa impak ng pagkabaksak. Medyo matatagalan po ang pag galing niya. Meron po kaming mga binebentang at requirement na gamot. Prayers nalang po, ha?." Tumingin saamin ang babaeng naka-puting damit at ngumiti samin. Naiyak ang mga magulang ni Quen, namumula at takot. Takot na makalimutan sila. Takot na baka di din sila maalala. Takot na nakaka baliw.

"Quen, anak?" Sabi ni Tita habang hawak hawak ang kamay ni Quen at umiiyak.

"Ma? Tama na po" Nagulat kaming lahat. Nanlaki at nagsitaasan ang mga kilay. Ano daw? N-naalala si T-tita? P-pero-- B-bakit ako hindi?

Magkahalong kaba, takot, at sakit ang nararamdaman ko. Di makapili kung tatanungin niya kung bakit ako di niya maalala? Bakit ako pa? Sa dami dami ng tao dito,  bakit ako pa?

"Uhm- sabi ko naman po, naapektuhan lang kasi ang left side ng utak niya dahil sa impak ng pagkabaksak. As i told you earlier, meron po kaming gamot para matulungan ang recovery ng bata. Sa ngayon po, matatagalan pa po. Excuse me po" Tumulo ng kusa ang luha sa mga mata ko na gusto ko ng pigilin. Kaso di ko talaga kaya. Masakit ang nararamdaman ko ngayon. Sobra.

Yumakap ang mga iba pang pamilya ni Quen sakanya at di nga ako nagkakamali, naalala niya sila. Ako lang ang hindi. Bakit ba?! Bakit ako pa?!

"Siguro nga ikaw lang ang nasa left side ng utak niya." Biglang singit sa senaryo ni Djay. Di ako maka-iling. Di rin maka-salita. B-bakit ba kasi?! Sobrang sakit na. Sobra na 'tong binibigay mo. . .

SOBRA NA. . .

"Lutang ka nanaman" Lutang na lutang ang aking isip. Di maka isip kung ano ang gagawin. Di makagawa ng kung ano. Lutang.

"Sorry sa lahat, Julia. Di dahil sakin, di kayo mapupunta sa ganito-" Di ko pinatapos ng pagsasalita si Djay ng magsalita ako. "Wag na. Okay lang. Basta, wag mo nang u-ulitin" Sinabi ko sakanya ng mahina. I can't think, can't say a word dahil sa sakit. Pinipigilan ko ang sakit na nadarama. Di makasagot sa mga tanong nila, dahil sa sakit. SOBRANG SAKIT NA!

"Pasyensya na. By the way, inamin ko na kay Angel" Tumingin ako sakanya kahit na lutang ako. "At natuwa siya kase honest daw ako" Tumango tango lang ako dahil di 'ko din maintindihan ang pinagsasabi niya. "Ahh" Tipid kong sagot at nararamdaman kong concern si Djay sa aura.

"Tsaka, siya pala talaga ang mahal ko" Nakita ko siyang kinilig at umalis na. "Kausapin mo na siya" Tangi niyang sinabi at tumango nalang ako.

Lumapit ako sakanya, hinawakan ang aking pantalon at kinusot kusot. Kinakabahan at pinipigilan ang sakit.

"Quen?" Naiiyak na 'ko habang lumalapit, umurong ang mga tao sa paligid niya at binigyan ako ng i-space para sakanya.

"Dun ka nga! Di kita kilala!" Nagtinginan ang mga tao sa likod ko, nagbulungan, at di 'ko matanggap. B-bakit mo ba kasi ako nakalimutan?

"Quen kase-"

"Please, lumayo ka sakin. Ma! Ma!"

"Julia.... Pasensya na" Di 'ko na napigilan ang di umiyak at napasigaw si isip ng "masakit na" Bwiset ka, Julia! Bwiset ang lahat! Nakakainis! Tang ina!

Umalis na ako sa kwarto niya at nakita sila mama sa labas, nag hihintay.

"Ma, halika na"

Akala ko magiging malungkot lang 'to.

Bakit ngayon? Masakit na?

* * *

"Ang mahiwagang mensahe!" Nagising ako sa kakaibang ringtone ng selpon ko. Ayoko nang makakita pa ng masasakit na pangyayare o kahit na ano. Di ko kaya. Para na 'kong papatayin sa hirap.

From: Gel Bespren

Hey Bes! Sis, tara na?

Napangiti ako sa nakita at nireplayan siya ng; "Tara!" Kung nagtataka kayo, kung san kami pupunta, eto kahit masakit at sobrang bigat sa puso, ipapaalala ko ang lahat sakanya. Bait ko, no?

Gusto ko lang naman maalal niya kahit pangalan ko lang. At least, naalala niya 'ko. Gusto ko na talaga i-paalala sakanya ang lahat, ang sabihin ko sakanya na mahal na mahal ko siya. 'Yung i-backward ang lahat.

Sana ako nalang ang nagkaron ng amnesia, sana di niya ako niligtas, sana di ko nalang siya inaway at nagwalk-out, sana di nalang ako nakinig sa sarili, at sana isa lang 'tong panaginip..

Isang masamang panaginip.

"Huy?" Nagulat ako kay Angel at nabalik na sa senaryo.

"Tulaley ka nanaman!" Sabi niya with matching pataas taas ng kilay.

"Ano na? Okay ka na?" Di ako makailing- lutang. Di ako makasingit o kahit na ano. Di nanaman makapag salita. Di kaya- may sakit na din ako? Baliw na 'ko. Baliw na baliw.

"Yan na eh. Ang epekto ng love. Andyan ka na sa part na 'complicated'."

"A-ang s-sakit" Konpesyon ko at umiling-iling. Inuuntog ko ang aking ulo sakaling magkaron din ng amnesia. Ayoko na. Sobra na. SOBRA.

"Ano? Ipagpapatuloy mo pa ba?" Tanong ni Angel sakin. Napatingin naman ako at napaisip. Oo nga, may time pa. Di ako susuko. Kahit kelan.

"K-kaya ko pa" Pabulol-bulol ko pang sabi. Napahinto ang lahat nung niyakap ako ni Angel. "Wag kang susuko, ah? Kundi lagot ka sakin"

Di ko nang mapigilan umiyak kase sobrang sakit na. SUMOSOBRA na. Nakakagago na.

"S-sige" Ginalaw-galaw ni Angel 'yung buhok ko at nagsalita ulit, "Promise mo yan ah?"

At bumulong nanaman ako, "Promise".

* * *

"Quen, dinalhan kita ng pagkain! Gusto mo?" Pa-bait-bait ko pa sakanya. Akala niya okay lang ang lahat. Pero putangina hindi! Sobrang sakit na.

"Dapak?! Wag nga! Di kita kilala!" Sigaw ni Quen sakin. Pinipigilan ko lang 'yung luha ko. Masakit na 'ho, di niyo lang alam!

"Quen! Si Julia to--"

"Shut up mada, di kita tinatanong!" Napalaki ang mga mata ko, at di makapaniwala sa sinabi niya. What?! ANO?

"A-ano?"

"Ang sinabi ko, TUMAHIMIK KA NA! Ang dami mong daldal, eh. Nakakairita na!"

"P-pero Quen, di mo ba 'ko naalala?"

"HINDI."

"Ikaw ang pinapangarap,

ikaw ang hanap-hanap,

ngunit bakit nag bago ang lahat?

Parang naging salat"

Masakit 'yung narinig ko, nakaka bingi na at ang bigat sa puso- 'yung feeling na, nawawalan ka na ng oxygen. MASAKIT, MABIGAT AT DI MAGANDA  itong pakiramdam ko. Magkahalo-halo sila kaya di ko na alam ang gagawin.

"Dun ka na nga! Di kita kilala!"

"Quen, please? Di mo ba naalala na masaya tayong nagsasama?"

"Ahhh! Ouch! My head!"

 

 

"Pangako habang buhay,

nangakong di magwawalay,

ngunit ba't lumamig ang pagmamahal?

Parang di na ikaw sa may kapal."

 

 

"Quen, 'yung magkaaway tayo? Naalala mo ba 'yun?"

"Ahhhhh!!! Ma! Tulong!"

"Q-quen, please! Di mo na ba 'ko naalala?"

"Ma! Tulong! Ahhhh-"

"Please--"

"Julia?" Napatingin ako kay Tita, malungkot, at hawak hawak 'yung braso ko.

"I'm sorry" Sabi niya ulit at pinagbuksan ng pinto. Sinaraduhan ako at naramdaman kong tumulo na 'yung luha ko.

 

 

"Anong nangyari sa ating dalawa?

Akala ko 'non tayo ay iisa?

Ako ba ang siyang nagkulang?

O ikaw ang di lumaban?

Sa pagsubok sa ating pagmamahalan."

 

 

Tumuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakita ang best friend ko. Nakaupo at nakaingin lang sakin. At ako? Eto- luhang luha na. Physically, emotionally, spiritually, at mentally.

 

 

"Anong nangyari sa ating dalawa?

Pagmamahal ngayo'y bakit naglaho na?

Damdamin ay nasasaktan

puso'y nasusugatan,

pangako mong pagmamahal

ngayo'y nasaan?"

 

 

"Oh? Sis, ano na?"

"Ayoko na Angel. Gusto ko na siyang kalimutan. Ayoko nang umasa" Umiiyak kong sabe. Niyakap ako ni Angel at hinawak-hawakan 'yung likod ko, "Diba sabi ko, wag kang susuko?"

"O-Oo" Pautal-utal ko pang sabi. Di ko na kaya. A-ang sakit na!

"O bakit ka---"

"S-suko na k-ko."

"Anong nangyari?"

"A-ano?"

"Ayoko na. Gusto ko na siyang kalimutan. Ayoko nang umasa. Pakshet" Huminga ako ng malalim at sobrang sakit. SOBRA NA!

"Sigurado ka ba?"

"M-masakit na. S-Sobra n-na" Pag kabigla niya ay napaupo siya. Masakit na, eh. Di ko na kaya~ para na kong pinapatay.

"Oh, so tuloy ka na ba?"

"Aalis na 'ko" Ngumiti siya at ngumiti na din ako. Aalis? Oo, aalis na 'ko. Ayoko nang maalala pa. A Y O K O na. Mabigat na 'to. Sobra na. Aalis na ko di ng classroom, kundi ng bansa. Punyeta. Ang sakit na.

"Di nga?"

"Seryoso" Bulong ko dito at napaluha.  Di ko na kaya. Ayoko na- SOBRA NA.

(A/N: "Anong nangyari sa ating dalawa" by Aiza Segurra po ang title ng kanta kaya, pakisearch nalang or play para mas maganda pa ang eksena -C <3)

* * *

"FLIGHT POPOY AT BASHANG #143" Eto na, ang pinakahi-hintay ko. Ang maka-alis na.

"Jules!!!!!!"

"Julia, mamimis kita!"

"Huhuhu julia!!!"

"Oy pamangken ah? Ingat!"

"Nak..." Napangiti naman ako kay mama at napangiti rin siya. Niyakap niya ko ng mahigpit at parang wala nang bukas. Masaya ako kase aalis na 'ko. Pero, masaya nga ba?

"Aalis na po ako. Babalik po ako, pangako ko po yan!" Mamimiss ko ang mga ito. Pakshet. Lalo na siya...

Kung di mo man ako maalala, sana maalala mo 'ko. Sana- lahat nalang nito ay panaginip. SANA nalang sana ang lahat.

Hayaan mo na nga, mag tha-thank you nalang ako.

Salamat sa lahat. Sa pagpapainis at pagpapakilig. Sa pagiging concern, protective, at mabait. Syempre: SA PAGIGING SWEET.

Sana maalala mo pa ko. Kahit alam kong hindi na at wala nang pag asa, sana. I never expect na aabot tayo sa ganto. Co'z this is love, gagawin mo talaga ang lahat.

Mahal kita Quen. Sobra. Even if i didn't expected, i don't care. Basta mahal kita......

 

 

.....Habang buhay.

 

 

 

 

 

 

~~x

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...