Unexpected Love

The best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time.


Available po siya in Wattpad. So just click the external link over here --- http://www.wattpad.com/story/12363953-unexpected-love-julquen

1Likes
0Comments
465Views
AA

8. Guitar's Best

"Mahal ko po si Julia" Tapos hawak hawak niya 'yung kamay ko.

Kinakabahan ako. At kinikilig..

Baka may gusto na rin ako sakanya?

Hala Julia, hindi nga pwede 'yun. Nakakadiri naman. Hay. Mali 'yun. Di pwede. Nagkakamali ka nang iniisip. Nako, nakakastress naman! Uhrgh! Dadami 'yung puting buhok natin niyan,  eh? Huhuhu.

Pero bakit naman ako kinikilig sa sinabi niya? Hay buhay nga naman. Nakaka loko na.

RINGGG!

'Yung bell nag-ring na rin! Sa wakas. Binatawan ni Quen 'yung pagkakahawak sa kamay ko at tinignan 'yung phone niya. Bumuntong hininga siya at sinabing, "Ayy, babe! Mamaya nalang ulit, ah? Eh kasi may practice pa kami. Sorry talaga! kaya, bye!"

Aww. Nagmamadali nanamam siya-

Chup! Ay punyeta! Naramdaman kong hinalikan niya 'ko sa pisngi at ngumiti. Ngumiti nalang ako pabalik.

Nahuhulog na ata ako sakanya ah?

Ehem ehem. Delete Julia. Di totoo 'yan. I'm like eiw?

"Bye!" Sigaw niya sakin at kumaway nalang ako pabalik. At nagulat sa nagsalita.

"Ayie! Ayie! Ahihi. Nakita ko 'yun!"

"Oo nga, anong meaning 'nun, Julia?" Huh? Shet. Nakita ata nila. Bayan, grabe CCTV ata 'to si Angel at Djay, ah? Tulis ng paningin, eh. T-teka teka! Ano?! A-anong?

Bakit magkaholding hands 'yang dalawa?! Anong-

"Hoy! Bago ko i-explain, kayo muna! Anong ibigsabihin niyan, ha? Bakit nauna kayo? At Angel, bakit di mo sakin sinabi?!" Marami kong tanong sakanila at ngumiti sila.

"Surprise!" Sabay pa nilang sabi. Aba gago 'tong dalawang 'to ah.

"Ano akala mo sakin Jules? Walang lablyf? Syempre kung meron ka, meron ako!" Pagmamayabang pa nilang sabi at tumingin naman ako kay Djay.

"Hoy, alagaan mo 'tong walang kwenta kong best friend, ha? Kundi, SAPAK!" Tumawa naman si Djay ng malakas.

"Oo naman 'babe' ni Bro, noh? Aalagaan ko siya" Ngumiti lang ako at nagsalita kaagad si Djay.

"Sige, maya na ulit ah? May upcoming date pa kami, eh. Bye! Ingat ka, Julia ah? Love you! Yan, special padala ni Bro! Bye!" Aww. Una, babe. Tas ngayon naman love you? Grabe. Tandaan mo, Djay may girlfriend ka. Nako, masama yan!

"Ang mahiwagang mensahe!!"

Nag-ring 'yung cellphone ko. May nag text, sino naman 'yun?

From: Quenkong:
Babe, see me after class. Thanks!

To: Quenkong
Bakit? Anong kailangan mo sakin?

From: Quenkong
Basta, wag nang maraming tanong.

To:Quenkong
Bakit nga muna? -,-

From: Quenkong
Bakit ba ang dami mong tanong?

To: Quenkong
Eh ang dami mong sagot, eh? :D

From: Quenkong
Psh. I love you na babe. Bye! Muah :*

Di ko nalang nireplayan. Lalo akong kinikilig, eh? Ahîhihi. Hala hala, ang landi! Hahaha.

Ay- eto nga pala, pupunta na sa destination. Teka, saan nga ba? -.-

To: Quenkong
Hoy lalake, saan ba?

Bzzt* Wow? Ang bilis mag reply, ah? Tang ina. Hahaha.

From: Quenkong
Sa puso mo! :))

To: Quenkong
Bayan! Tss. Di nalang kita pupuntahan. Bahala ka. Punyeta ka talaga! Psh.

From: Quenkong
Edi wag. Ako nalang ang pupunta sayo.

To: Quenkong
Ha.Ha.Ha so funny Enrique John Carlo Gil.

Fr: Quenkong
. . .

To: Quenkong
Huy! Ano bang klaseng reply yan?

Pagkatapos nun, di na siya nag reply. Nako, ayoko na ngang pumunta sa lalaking 'yun!

Makalibot na nga lang dito. HAHAHA. Mas fun pa.

Pumasok ako sa Music Room namin at wow ang cool! Ang daming instruments at ang cu-cute! Hanggang sa napatingin ako dun sa gitara. Maka play na nga lang!

"Don't try to make me stay, or ask if i'm okay, i don't have the answer

Don't make me stay the night, or ask if i'm alright, i don't have the answer.

Heart ache doesn't last forever,i'll say i'm fine.

Midnight ain't no time for laughing, when you say goodbye..

It makes your lips, so kissable. And your kiss, unmissable. Your fingertips so touchable, and your eyes- irresistable...

And your eyes-- irresistable.."

Feel na feel ko 'yung pagkanta ko. May naalala nanaman ako. Hay.

"Angel! 'Yung notebook ko ah?"

"Oo sige!" Paglingon ko, nagkabanggaan ko ang isang lalaki dito sa cafeteria. OMG, 'yung ultimate crush ko nandito! Waah! Gwapo, at mukang mabait, mayaman pa! Huwaw!

Shet. Di 'ko lang kasi alam name niya, eh?

"Ay, sorry kuya"

"Ano ba?! Hindi ka ba nag-iingat?!"

"Sorry na nga, diba?"

"Hoy, wala akong pake! Ano bang pangalan mo, ha?"

"J-Julia"

"Panget naman! Alis nga!"

"Aba! Yabang! Eh sayo, maganda?!"

"Oo! Enrique! You can call me Quen in short"

"Psh. Gwapo sana"

"A-ano?!"

"Wala, ang sabi ko may paradang bingi dyan sa kanto, kasali ka!"

"Shut up! Tabe at dadaan ang pogi!"

Yan. Yan ang una naming pagkakilala. Well, crush ko siya dati pero di ko alam 'yung name niya nun. Di kasi ako FC. Abno, noh? Hahaha.

Hanggang sa naramdaman kong may nagtakip sa dalawa kong mata.

Huh? Sino ba 'to? Hinawakan ko, ang kinis.

Sino ba 'to?!

* * *

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...