Unexpected Love

The best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time.


Available po siya in Wattpad. So just click the external link over here --- http://www.wattpad.com/story/12363953-unexpected-love-julquen

1Likes
0Comments
422Views
AA

9. First Kiss

"Sino 'to?" Tanong ko nang mahina sakanya kasi todo kaba itong nararamdaman ko. Ewan ko pero para siyang kaba na di ka mag papanic. Parang ganun.

"Ako to" Nanlaki 'yung mga mata ko dahil boses ni...

Ni Enrique? Shet.

"Quen naman, eh?" Tinanggal niya 'yung kamay niya sa mga mata ko at nakita 'yung pagmumuka niya. Ang gwapo.

"Hi. Namiss kita." Ngumiti nalang ako at nakita ding namula siya nang onti. Nagkatitigan siguro kami for ilang seconds.

"Mahal kita Julia. Sana pwede mangliga-"

*Ring ring!*

Nagulat ako bigla kasi nag ring 'yung phone ko. Bayan! Panira. Bullshit.

"Hello?"

"Jules! Absent ako tom. Pupunta kasi kami nang bulacan, eh? Pakisabi nalang kay adviser, ah! Thanks at ba-bye!"

*Toot toot*

Ay bastusan? Binaba agad?! Psh. Ang *toooooot* mo! Hay.

"Sino daw 'yun?"

"Ah. Si Angel. Absent daw kasi siya bukas. Ewan ko dun." At tumango nalang siya. Nagkaroon ng awkward silence at napangiti nalang ako. Hanggang di ko napansin na nagtext na pala si Mama.

"Quen. Uhm.. Hinahanap na kasi ako ni Mama eh. Kaya kailangan ko nang umalis. Sorry." Explain ko sakanya which is totoo naman at di naman sa iniiwasan ko siya.

"Hatid nalang kita"

"Seryoso?"

"Oo naman. Muka ba ko nag jo-joke?"

"Hindi. Baka kasi dalin mo 'ko sa impyerno. Kaya wag nalang"

"Baliw. Seryoso"

"Sige, salamat nalang"

* * *

Pag sakay ko ng sasakyan ng halimaw, naging gentleman sakin si Quen. Concern at mabait. Ganon pala si Quen, noh? Pag nag mahal, sobra sobra.

Hanggang sa di ko namalayan na nandito na pala kami sa destinasyon.

Napatingin ako kay Quen at nahuli ko siyang nakatitig sakin. Wow, ganun na ba 'ko kaganda? Hahaha. What a joke, Enrique.

Pero, meron akong na-realize na parang..

Parang nahuhulog na 'ko sakanya? Hay. Bakit ba? Ano bang problema mo?

"Uhm, Julia?"

"Yes?"

"P-pwede ba kitang ligawan?" WATDAHEK?! ANO?!

LIGAWAN?!

Kinurot ko 'yung sarili ko at napatingin sakanya. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Hala, babe? Ano nangyare? Okay ka lang ba? Gagamutin ko 'yan, san masakit? Bakit mo ba kasi kinurot 'yan?" Nako. Napaghahalataan na, ah? Concern ba? Ahihi. Pwes, mainggit kayo! BWAHAHAHA!

"Wala. Sinisiguro ko lang kung gising ako"

"Sus, wag mo nang u-ulitin 'yun, ah?" Tumango nalang ako as my reply. Gising nga ako. Shet.

"So, ano sagot mo?"

"Sige, pwede" AY PUTANG GALA NAMAN OH?

Bakit ka pumayag, Julia? BAKIT?!

Pero, seryoso ba talaga siya?

"Seryoso?"

"Oo nga! Basta, mabait ka at dapat mong putulin 'yang sungay mo"

"YES THANK YOU, JULIA! SALAMAT TALAGA!" Niyakap niya ko at ako naman, medyo kinikilig. Hinawakan niya 'yung mag kabilang pisngi ko at sinabing,  "Mahal na mahal kita" Tapos papalapit siya ng papalapit at naramdaman ko na 'yung labi niya sa labi ko.

Panaginip lang ba 'to? O totoo?

Parang napaisip ako na totoo ata 'yung sinabi niya na pogi siya mula ulo hanggang paa. At isama mo narin 'yung puso.

Mahal ko na din ata si Quen.

* * *

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...