Unexpected Love

The best kind of love is with the most unexpected person at the most unexpected time.


Available po siya in Wattpad. So just click the external link over here --- http://www.wattpad.com/story/12363953-unexpected-love-julquen

1Likes
0Comments
518Views
AA

2. Ang pagbabati?

Julia

Sumasagot ako ngayon para dun sa exam ko. Maingay ng onti yung classroom ko kase walang adviser o teacher. Patapos naman na 'ko eh. Nakakaistorbo lang talaga sila. Test Four: blah blah blah. Ah basta! Hanggang sa nawalan ng tinta 'yung ballpen na gamit ko. Una ko'ng nakita ay si Angel. Ah siya ba? Yan ang partner in crime ko na parang sobrang lakas ng tama at parang nakashabu. Mabait yan, madaldal nga lang. Hihiram na ko.

"Angel, may ballpen ka pa?"Tanoog ko sakanya pero parang di pa ata siya tapos.

"Manghiram ka nalang kay Enrique." Huh? Yun? Sa lalakeng 'yun? Wag na uy! Okay na ko sa walang ballpen kesa sa manghiram dun sa mokong na 'yun, noh?

"Ah. Wag na. Okay na ko." Tumawa lang siya. Ganun naman parati to eh. Hahaha.

"Asus. Humiram ka na. Habang di niya pa nagagamit." Sabi niya at tumingin lang ako ng masama sakanya. Nanlaki yung mata niya. Sabi na eh. Nakalimutan nanaman.

"Joke, wag na. Baka mag ingay nanaman kayo." Nako, sa iba nalang wag lang kay Quen.

Hanggang sa biglang-

"ANONG PINAG UUSAPAN NIYO DYAN?!" Nakakabinging sigaw samin ni Angel. Nanlaki lang yung mata namin at nag katinginan ni Angel. Narinig niya ata pangalan niya samin.

"Wala" Sabi ko sakanya at nanliit naman yung mata niya.

"Hoy babae, narinig ko yung pangalan ko sayo!" Sigaw niya sakin at binanatan ko naman siya.

"Hoy lalake, wag kang assuming!" Sigaw ko sakanya at lalong uminit yun ulo ko sakanya.

"Excuse me, pinag uusapan niyo ko. Di ako bingi, noh?"

"Baket?! Sinabi ko bang bingi ka?!" Isa pang banat nito, gagawin ko 'yang chopped Enrique.

"Ah ganun?! Sumasagot ka?!"

"Bakit, ayaw mo?!"

"Oo! Lalo nang, ako ang pinag uusapan niyo! Sige nga, ano yang pinag u-usapan niyo?" Unli?! Wala nga, Quen! Hay.

"Baket gusto mong malaman?!"

"Wala lang. Baka may crush ka sakin eh. Ang gwapo ko kaya!" Pag mamayabang pa niyang sabi. Eiw!

"Hoy lalake, mamamatay muna ako bago ako mag gusto sayo!" Ang kapal ng muka eh. Ang ingay namin dito at ang malala, center of attraction kami ng mga classmates namin. Nakatingin lang sila. Yes, LANG. Sanay na sila eh. Yung iba pa nga, walang pake eh.

"Asus. Ayaw mo lang amimin eh." Sigaw niya sakin.

Ako? Mag kakagusto sakanya? Sa panaginip niya! Asa. Di noh? Okay, i admit na dati may crush ako sakanya nung di pa kami close. Pero, nawala nung nalamanko yung bruha niyang ugali. Nako para siyang POGI na HALIMAW. Oo, ganun.

Monster kaya 'yan!

"Talaga, tol?!" Sigaw ko sakanya.

"Oo!" Nako, malakas 'yan manigaw. Pero mas malakas 'yung akin. Ano akala niya, siya? Asa.

"Kahit hinde?!" Mas malakas kong sigaw sakanya.

"Kahit totoo?!"

"Kahit hindi totoo?!"

"Kahit totoong totoo?!"

"Oh talaga, tol?!"

"Oo, talagang talaga!"

"Kahit-"Naputol 'yung sasabihin ko kase biglang sumigaw si Sir Ram.

"HOY! MONTES ANG GIL! TALAGA BANG PAINGAYAN ANG GUSTO NINYO?! UMAYOS NGA KAYONG DALAWA AT TALAGANG NAPAKAINGAY! MAY NAG SUMBONG KASE SAKIN NA SOBRANG INGAY NIYO DAW. PARANG ASO'T PUSA! MASAKIT SA TENGA! TO MY OFFICE, NOW!!" Masakit sa tenga na sigaw sakin mi Sir Ram. Nako, ba't ba kase siya 'yung naging guidance councilor namin eh pwede naman ibang teacher na di marunong manigaw? Bakit pa kase siya pa? Da't talaga naging pare na siya. And yes, dapat pari yan eh. Pero di natuloy kase may asawa siya. May pangasar nga kami dyan eh. RamPader, bagay sakanya, noh? Wahagaha! Muka kasing lolo, eh.

Pero, eto nanaman. Pinapapunta sa Guidance Office.

Habang naglalakad kami papuntang office, bigla akong siniko ni Quen at bumulong.

"Ikaw kasi, eh. Pasa kang nasa palengke sumigaw. Yan tuloy, na guidance ulit tayo."

"FYI, ikaw kaya 'tong parang nasa kabilang bundok sumigaw. Sakit sa tenga!"

"ANO BA TALAGANG PROBLEMA NIYO, MONTES AND GIL?! HANGGANG DITO PA NAMAN?! TUMAHIMIK NA NGA KAYO AT UMUPO SA UPUAN." Nagkatinginan lang kame ni Quen.

"Hoy! Bingi ba kayo? Sabi ko, umupo lang kayo!" Sigaw ni Sir Ram samin. Wala kaming magawa kundi sumunod. Bwiset naman, oh.

"Bakit ba ang ingay ingay niyo parati? Nako Gil and Montes, for the 8th time, na guidance nanaman kayo, and for the 4th time, pinatawag nanaman ang parents niyo. Gusto niyo ba 'yun madagdagan?!" Sigaw niya saming dalawa at tumango nalang kami ng hindi.

"Kung ayaw niyo, manahimik nalang kayong dalawa!" Sigaw ni Sir RamPader este- Sir Ram. Whoo! Nabinggpg ata ako sa sobrang lakas ng boses niya.

Lumabas na siya at syempre, kami naman itong gaya gaya.

Naumwa si Sir tapos kaming dalawa nalang yung natira. Tumingin ako kay Quen. Pero, bakit ganun yung muka niya? Parang sasabog na sa galit. Eh dati, tumatawa 'yan eh.

"Hoy!" Sigaw ba naman ni Angel na kasama si Djay Cruz. Oooh. Sila ba? Hahaha. Ewan ko, eh. Ata. M.U, baka?

"Bakit ba kasi kayo nag a-away parati, sis?" Tanong ni Angel sakin.

Oo nga naman? Ah basta! Di ko alam. Mayabang eh. Tinaas ko 'yung kilay ko at sumabat bigla si Angel.

"Magbati na nga lang kayo!" Huh? Kame, magbabati? Binigyan ko si Angel ng 'what the fuck face'

Grabe, imposible ata yun. Talagang imposible yan, bakit?

Alam niyo ba na isa sa pinaka-cool na lalake dito sina Quen at Djay? Kumbaga sila 'yung pinaka gwapo, pinakapopular at ang pinakamayaman. Habulin ba naman ng mga babae? Oh diba, psh.

Ako at si Angel naman,  isa sa mga heart throb. Chos. Matalino, may kaya, maganda at mabait. Parang M4 ba? Joke.

Pero kami ni Quen ang pinakamaingay kapag PINAGSAMA.

Pero alam niyo, pag pinag sama kami, guguho yung mundo! Pareho kaming basagan yung trip! At sakanya ako natuto nun. Hahaha.

Para nga kaming aso't pusa na nag aagawan sa pagkain. Hindi titigil hanggang sa may nag stop.

Maingay kami niyan at laging napapatayo, napapagalitan, nasusulat, napagsasabihan, naiinfraction, na ga-guidance at napapatawag. Dapat nga kicked-out na kami eh. Kaso principal yung dadi ni at mag best friend ang dadi namin so, di kami na-ki-kick out. Ayaw nila eh. Hahaha! Swerte, noh?

Pero malas din kase family friend ko si Quenkong. Malas noh?

Alam niyo ba, pag pinag sama kami niyan, parating GUIDANCE ang abot namin. Kaya pag magkasama kami, SIGAWAN ang abot namin. Meron nga eh, pag nagkakagroup kame, alam na ang gagawin ng mga teacher. Pag hihiwalayin kame. Kaya never ko'ng nakagroup si Quenkong. Baka maulit 'yung World War.

"Sige na Jules, KJ!!" Sabi sakin ni Angel. Nako kung di ko lang 'to best friend, nabatukan ko na.

At si Djay naman, todo tawa.

"Oh-" Hindi ko akalain na gagawin niya. Yung ginagawa niya ngayon. Totoo ba 'to? Ay hindi, panaginip lang 'to. Baka tulog pa ko?

Inalok niya yung kaway niya na parang makikipag shake hands na.

Totoo ba talaga 'to? O panaginip lang? Tinignan ko 'yung mga mata niya pero parang di naman siya napipilitan.

Seryoso ba talaga siya dito?

* * *

A/N:

Hehehe. Eto na po 'yung sa wattpad!! Andrea, Marsh, Lalaine, Yani, Julia, eto na po 'yung soft copy! (Weh?) Hahaha. Sana magustuhan niyo! Labyou! Haha joke

-C <3

Join MovellasFind out what all the buzz is about. Join now to start sharing your creativity and passion
Loading ...